TANIKALANG GINTO SA BAGONG KADAWYAN: MGA HAMON NG MGA MAG-AARAL SA ASIGNATURANG PANANALIKSIK
Julito A. Orio
Student, Graduate School, Rizal Memorial Colleges, Inc, Davao City, Philippines
Abstract
Pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay galugarin ang mga hamong naranasan ng mga mag-aaral sa asignaturang pananaliksik sa bagong kadawyan. Ang sinasaklaw sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral sa isang pribadong paaralan sa Lungsod ng Davao. Nilalayon ng mananaliksik na mabigyan ng nararapat na pansin ang mga hamong hinarap at ang mga pamamaraan ng mga mag-aaral upang malampasan ang mga hamong ito. Sa ganitong paraan, mas maiintindihan at magiging tiyak ang pakikitungo sa mga mag-aaral. Ang disenyo sa pag-aaral na ito ay kuwalitatibo, Ang kuwalitatibong pananaliksik ay batay sa paglalarawan ng mga obserbasyon. Ang isang kuwalitatibong paraan ay naglalarawan ng estruktura ng mga karanasan habang inihahandog nila ang kanilang sarili sa kamalayan, hindi nakabatay sa teorya kundi ito ay tumutukoy sa mga karanasan ng mga indibiduwal tungkol sa konsepto at penomenolohiya. Ginamit ng mananaliksik ang kuwalitatibong disenyo upang mas maintindihan at maisagawa ang pagsusuri sa mga hamong naranasan ng mga mag-aaral sa asignaturang pananaliksik sa bagong kadawyan. Ang kuwalitatibong pananaliksik ay tumatalakay sa paggamit ng kuwalitatibong pamamaraan sa pangangalap ng datos tulad ng mga panayam, mga dokumento at datos mula sa pagmamasid ng kalahok at upang maunawaan at ipaliwanag ang mga penomena sa kapaligiran.
Keywords: Bagong Kadawyan; Tanikalang Ginto; Mga Hamon ng mga Mag-aaral; Asignaturang Pananaliksik; Rehiyon XI.
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Environmental Economics, Commerce and Educational Management
VIEW PDF
Published on : 2025-08-16
| Vol | : | 12 |
| Issue | : | 8 |
| Month | : | August |
| Year | : | 2025 |