stdClass Object ( [id] => 16578 [paper_index] => 202506-01-022508 [title] => PAGPAPASULAT NG SANAYSAY BILANG ESTRATEHIYA SA PAGPAPALAWAK NG KASANAYAN SA WASTONG PAGGAMIT NG BANTAS [description] => [author] => Gueenny R. Berdin, Christian D. Sison [googlescholar] => [doi] => https://doi.org/10.36713/epra22508 [year] => 2025 [month] => June [volume] => 11 [issue] => 6 [file] => fm/jpanel/upload/2025/June/202506-01-022508.pdf [abstract] => Pangunahing layunin ng action research na ito ang mabawi ang mababang antas ng kakayahan sa mga batayang kasanayan sa pagsulat, partikular na sa paggamit ng wastong bantas, sa asignaturang Filipino sa ika-7 baitang ng Asuncion National High School. Isinagawa ang panimulang pagtataya sa pamamagitan ng pre-test upang masukat ang kasalukuyang kakayahan ng mga mag-aaral. Matapos ang implementasyon ng interbensiyong tinawag na PASA (Pagpapalawak ng Abilidad sa Sanaysay sa pamamagitan ng Tamang Paggamit ng Bantas), muling isinagawa ang pagtataya gamit ang post-test upang masuri ang naging epekto ng interbensyon. Batay sa resulta ng panimulang pagtataya (pre-test), lumabas na ang mean score ng mga mag-aaral ay 11.500 na may standard deviation na 4.200. Ipinapakita ng datos na ito ang mababang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa paggamit ng wastong bantas bago isagawa ang interbensyon. Samantala, matapos ang implementasyon ng PASA, ang naging resulta ng post-test ay may mean score na 16.967 at standard deviation na 1.829. Ipinapakita nito na tumaas ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral matapos ang interbensyon, at naging mas konsistent ang kanilang mga sagot batay sa mas mababang SD. Upang matukoy kung ang pagtaas sa marka ay makabuluhan at hindi bunga lamang ng pagkakataon, isinagawa ang paired sample t-test. Lumabas sa pagsusuri na may makabuluhang pagkakaiba sa mean scores ng pre-test at post-test, na may t(29) = 7.763, p < .001. Ang resulta ay nagpapahiwatig na statistically significant ang pagtaas ng kakayahan ng mga mag-aaral sa wastong paggamit ng bantas pagkatapos ng interbensyon. Sa kabuuan, ipinapakita ng resulta na epektibo ang isinagawang interbensyon sa pagpapabuti ng kasanayan ng mga mag-aaral. Pinatotohanan nito ang mahalagang papel ng guro sa pagpukaw ng interes at pagpapalalim ng kaalaman ng mga mag-aaral sa wastong paggamit ng mga bantas. Iminumungkahi rin ng pag-aaral ang paglikha ng mga interaktibong aktibidad na angkop sa antas ng pangangailangan ng mga mag-aaral. Tulad ng ibang mga mananaliksik, hinihikayat ng pananaliksik na ito ang agarang pagtugon sa mga kakulangan sa pagkatuto sa pamamagitan ng sistematikong pananaliksik. Nagsisilbi rin itong gabay sa mga guro at paaralan na may kaparehong suliranin upang makabuo ng mga epektibong solusyon sa pagtuturo. [keywords] => Bantas, Pagsulat, Interbensiyon, PASA, Action Research, Filipino, Ika-7 Baitang [doj] => 2025-06-16 [hit] => [status] => [award_status] => P [orderr] => 105 [journal_id] => 1 [googlesearch_link] => [edit_on] => 2025-06-16 23:00:13 [is_status] => 1 [journalname] => EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR) [short_code] => IJMR [eissn] => 2455-3662 (Online) [pissn] => - -- [home_page_wrapper] => images/products_image/11.IJMR.png ) Error fetching PDF file.