stdClass Object ( [id] => 16630 [paper_index] => 202506-01-022565 [title] => KASANAYAN SA PAGPAPABASA SA FILIPINO: MGA SALAYSAY NG MGA GURO [description] => [author] => Jessel V. Vergara [googlescholar] => [doi] => [year] => 2025 [month] => June [volume] => 11 [issue] => 6 [file] => fm/jpanel/upload/2025/June/202506-01-022565.pdf [abstract] => Tinalakay sa pag-aaral na ito ang mga karanasan ng mga guro sa Filipino sa elementarya sa pagpapaunlad ng kasanayan sa pag-unawa sa binabasa ng mga mag-aaral sa Dibisyon ng Davao Occidental. Siyam (9) na guro ang layuning pinili upang ibahagi ang kanilang mga salaysay ukol sa mga estratehiyang kanilang ginamit at mga hamong kanilang hinarap sa pagtuturo ng pagbasa sa Filipino. Ginamit sa pag-aaral ang kwalitatibong disenyo na penomenolohiya upang mailahad ang mga karanasan ng mga kalahok. Isinagawa ang pangangalap ng datos sa pamamagitan ng masusing panayam, at ang pagsusuri ay isinagawa sa pamamagitan ng tematikong pagsusuri. Lumabas sa mga resulta ng pag-aaral ang mga positibong epekto ng mga interbensyon ng mga guro sa pagbasa, tulad ng pagtaas ng motibasyon ng mag-aaral, pagpapabuti ng pag-unawa, at paggamit ng interaktibo at makabagong estratehiya. Ayon sa mga guro, malaki rin ang naitulong ng replektibong gawain at suporta ng mga magulang sa pag-unlad ng kasanayan sa pagbasa ng mga bata. Gayunpaman, lumitaw din ang ilang hamon tulad ng kakulangan ng angkop na materyales sa pagbasa, kakulangan sa sapat na pagsasanay, at kahirapan sa pagtugon sa iba’t ibang antas ng kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral. Bilang tugon, gumamit ang mga guro ng kolaborasyon, lokal na materyales, at patuloy na pag-aangkop ng kanilang pagtuturo. Ang mga pananaw mula sa pag-aaral ay nagpapakita ng pangangailangan para sa tuloy-tuloy na pagsasanay ng guro, sapat na materyales, at aktibong pakikilahok ng komunidad upang mapaunlad ang kasanayan sa pagbasa sa Filipino. [keywords] => Kasanayan, Pagpapabasa, Guro [doj] => 2025-06-19 [hit] => [status] => [award_status] => P [orderr] => 138 [journal_id] => 1 [googlesearch_link] => [edit_on] => [is_status] => 1 [journalname] => EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR) [short_code] => IJMR [eissn] => 2455-3662 (Online) [pissn] => - -- [home_page_wrapper] => images/products_image/11.IJMR.png ) Error fetching PDF file.