stdClass Object ( [id] => 16705 [paper_index] => 202506-01-022654 [title] => FILIPINO GRAMMAR QUEST GAME: ISANG INTERBENSYON SA PAGLINANG NG KAALAMAN SA WASTONG GAMIT NG MGA SALITA SA FILIPINO NG MGA MAG-AARAL SA IKA-9 NA BAITANG [description] => [author] => John Lloyd S. Bolaton, Albert C. Mabit [googlescholar] => [doi] => https://doi.org/10.36713/epra22654 [year] => 2025 [month] => June [volume] => 11 [issue] => 6 [file] => fm/jpanel/upload/2025/June/202506-01-022654.pdf [abstract] => Ang maaksyong pananaliksik na ito ay naglalayong suriin ang bisa at epekto ng Filipino Grammar Quest Game bilang isang makabagong interbensyon sa pag-unlad ng kasanayang gramatikal ng mga mag-aaral sa ika-9 na baitang ng Asuncion National High School. Gumamit ang pag-aaral ng pre-eksperimental na disenyo, partikular ng one-group pre-test at post-test design upang masukat kung may makabuluhang pagbabago sa antas ng kasanayang gramatikal ng mga kalahok bago at pagkatapos gamitin ang nasabing interbensyon. Pangunahing layunin ng Filipino Grammar Quest Game ang malinang ang tamang gamit ng mga salitang panggramatika gaya ng nang at ng, raw at daw, rin at din, may at mayroon, subukan at subukin, pahiran at pahirin, gayundin ang punasan at punasin. Sa isinagawang pagsusuri, lumitaw na ang mga mag-aaral ay may katamtamang antas ng kasanayan sa pre-test, subalit kapansin-pansin ang napakataas na marka sa post-test. Sa pamamagitan ng estadistikong pagsusuri gamit ang Paired Samples T-Test, lumabas ang makabuluhang pagkakaiba sa resulta ng dalawang pagsusulit t(19) = 17.073, p < .001 na nagpapatunay na may positibong epekto ang paggamit ng laro sa kanilang kasanayang gramatikal. Napatunayan sa pag-aaral na ang gamification bilang estratehiya sa pagtuturo ay mabisang paraan upang mapataas ang motibasyon, aktibong partisipasyon at akademikong pagganap ng mga mag-aaral. Sa kabuoan, iminumungkahi ng mga mananaliksik ang mas malawak na paggamit ng Filipino Grammar Quest Game sa mga klase sa Filipino bilang alternatibong kagamitan sa pagtuturo ng tamang gramatika sa mas makabuluhan at interaktibong paraan. [keywords] => Filipino Grammar Quest Game, wastong salita sa Filipino, pre-experimental design, ika-9 na baitang, Asuncion National High School [doj] => 2025-06-24 [hit] => [status] => [award_status] => P [orderr] => 183 [journal_id] => 1 [googlesearch_link] => [edit_on] => [is_status] => 1 [journalname] => EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR) [short_code] => IJMR [eissn] => 2455-3662 (Online) [pissn] => - -- [home_page_wrapper] => images/products_image/11.IJMR.png ) Error fetching PDF file.