stdClass Object ( [id] => 16943 [paper_index] => 202507-01-023035 [title] => PANG UNAWA NG MGA MAG-AARAL SA PANITIKANG PANREHIYON AT BASIHAN SA PAGBUO NG PANTULONG NA BABASAHING-PANSANAY SA FILIPINO [description] => [author] => Michelle P. Ramos, Josephine B. Baguio [googlescholar] => [doi] => https://doi.org/10.36713/epra23035 [year] => 2025 [month] => July [volume] => 11 [issue] => 7 [file] => fm/jpanel/upload/2025/July/202507-01-023035.pdf [abstract] => Nilalayon ng pananaliksik na ito na suriin ang antas ng pag-unawa ng mga mag-aaral sa panitikang panrehiyon at matukoy ang mga salik sa pagtuturo na may kaugnayan sa pagpapaangat ng kanilang kakayahang umunawa. Ang pag-aaral ay isinagawa sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Lungsod ng Tarragona, Rehiyon XI, Sangay ng mga Paaralan sa Lungsod ng Davao Oriental para sa Taong Panuruan 2023-2024. Kalahok sa pag-aaral ang 165 mag-aaral sa Baitang 8 mula sa limang seksyon na pinili sa pamamagitan ng simple random sampling. Gumamit ang mananaliksik ng deskriptibong disenyo upang masukat ang antas ng pag-unawa ng mga mag-aaral batay sa limang batayang aspekto: pang-unawang literal, interpretasyon, mapanuring pagbasa, aplikasyon sa binasa, at pagpapahalaga. Ipinakita ng resulta na ang antas ng pag-unawa ng mga mag-aaral sa panitikang panrehiyon ay nasa katamtamang antas sa lahat ng dimensyon. Natukoy rin sa pag-aaral ang ilang salik sa pagtuturo na may kaibahan sa pagpapaunlad ng pag-unawa ng mga mag-aaral, gaya ng pagkakaroon ng kontekstuwalisadong babasahin, malikhaing estratehiya sa pagtuturo, at partisipasyon ng mga mag-aaral sa mga gawaing pampanitikan. Batay sa mga kinalabasan ng pag-aaral, nakabuo ang mananaliksik ng mga pantulong na babasahing-pansanay sa Filipino 8 na maaaring gamitin upang mapalawak at mapalalim ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa panitikang panrehiyon. Iminumungkahi na gamitin ang mga nabanggit na materyal sa regular na pagtuturo ng asignaturang Filipino at isagawa ang mas maraming interaktibong gawain na naglalayong isulong ang pagpapahalaga sa lokal na panitikan at kultura. Mahalaga ring magsagawa ng mga pagsasanay para sa mga guro upang higit nilang mapayaman ang kanilang kaalaman at kasanayan sa pagtuturo ng panitikang panrehiyon. [keywords] => Panitikang Panrehiyon, Antas ng Pag-unawa, Babasahing-Pansanay, Filipino 8, Salik sa Pagtuturo [doj] => 2025-07-13 [hit] => [status] => [award_status] => P [orderr] => 31 [journal_id] => 1 [googlesearch_link] => [edit_on] => [is_status] => 1 [journalname] => EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR) [short_code] => IJMR [eissn] => 2455-3662 (Online) [pissn] => - -- [home_page_wrapper] => images/products_image/11.IJMR.png ) Error fetching PDF file.