stdClass Object ( [id] => 16948 [paper_index] => 202507-01-023017 [title] => PAGSUSURI SA PAGSASALIN AT PAGPAPAKAHULUGAN NG MGA TRADISYUNAL NA AWIT AT TULA NG MGA LUMAD SA MINDANAO: KATUMPAKAN NG WIKA AT PAGPAPANATILI NG KULTURA [description] => [author] => Emely Jane M. Rocas [googlescholar] => [doi] => [year] => 2025 [month] => July [volume] => 11 [issue] => 7 [file] => fm/jpanel/upload/2025/July/202507-01-023017.pdf [abstract] => Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa Pagsusuri sa Pagsasalin at Pagpapakahulugan ng mga Tradusyunal na Awit at Tula ng mga Lumad sa Mindanao: Katumpakan ng Wika at Pagpapanatili ng kultura. Ito rin ay nakatuon sa pag-alam ng ugnayan sa pagitan ng mga baryabol na nabanggit. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang antas ng pagsusuri sa pagsasalin ng awit at tula ng mga lumad sa Mindanao. Gayundin ang antas ng pagpapakahulugan ng mga tradisyunal na awit at tula ng mga Lumad. Bukod dito, nilalayon ding alamin ang antas ng katumpakan ng wika at pagpapanatili kultura. Sa huli, ninanais ding tukuyin kung may makabuluhang kaugnayan ang pagsusuri sa pagsasalin at pagpapakahulugan ng awit at tula ng mga Lumad sa Mindanao sa katumpakan ng wika at pagpapanatili ng kultura. Ginamit na disenyo sa pananaliksik na ito ang deskriptibong paraan. Nagsilbing tagatugon ang Isandaang (100) mag-aaral sa Ika-10 baitang ng Camp Vicente Lim Integrated School Taong Panuruan 2024-2025. Ginamit na instrumento sa pananaliksik na ito ang mean at standard deviation upang matukoy ang antas ng pagsusuri sa pagsasalin at pagpapakahulugan ng mga tradisyunal na awi at tula. Samantalang Pearson Product Moment Correlation Coefficient ang ginamit sa pagtukoy ng ugnayan sa pagitan ng mga baryabol. Lumabas sa pag-aaral na ang antas ng pagsusuri sa pagsasalin ng awit at tula ng mga Lumad sa Mindanao ay binigyang interpretasyon na Lubos na nasuri. Sa antas naman ng pagpapakahulugan ng mga tradisyunal na awit at tula tula ng mga Lumad ay may interpretasyong lubos na nabigyang-kahulugan. Gayundin sa Antas ng katumpakan ng wika at pagpapanatili ng kultura ay may interpretasyong lubos na naisalin. At sa huli, walang makabuluhang kaugnayan ang pagsusuri sa pagsasalin at pagpapakahulugan ng awit at tula ng mga Lumad sa Mindanao sa katumpakan ng wika at pagpapanatili ng kultura. Sa kadahilanang hindi nagpakita ng makabuluhang kaugnayan sa pagitan ng pagsusuri sa pagsasalin at pagpapakahulugan ng mga tradisyunal na awit at tula ng mga Lumad sa Mindanao sa katumpakan ng wika at pagpapanatili ng kultura, ang mga haypothesis ay tinanggap sapagkat nangangahulugan lamang na ang kahalagahan sa katumpakan ng wika at pagpapanatili ng kultura sa pagsasalin ay hindi sapat upang magkaroon ng direktang impluwensya sa sakop na aspetong nabanggit. Batay sa mga pagsusuri, iminumungkahi na ang mga tagapagsalin ay dapat na magpatuloy sa pagsasanay, lalo na sa aspetong kultural ng mga tradisyunal na awit at tula ng mga Lumad. Gayundin ang higit na pagbibigay-pansin sa pagtuturo ng mga tradisyunal na awit at tula ng mga Lumad, hindi lamang sa antas ng wika kundi pati na rin sa mas malalim na pagkaunawa sa kanilang kultural na konteksto upang mapanatili ang kalidad ng salin. [keywords] => Awit ng mga Lumad, Katumpakan ng wika, Orihinl na Teksto, Tradisyunal na Paniniwala, Metapora at Simbolismo. [doj] => 2025-07-14 [hit] => [status] => [award_status] => P [orderr] => 36 [journal_id] => 1 [googlesearch_link] => [edit_on] => [is_status] => 1 [journalname] => EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR) [short_code] => IJMR [eissn] => 2455-3662 (Online) [pissn] => - -- [home_page_wrapper] => images/products_image/11.IJMR.png ) Error fetching PDF file.