stdClass Object ( [id] => 16949 [paper_index] => 202507-01-023018 [title] => PAGPAPAUNLAD NG PANITIKANG LOKAL BILANG KASANAYAN SA PAGBASA AT PAGPAPANATILI NG KULTURANG PAGBILAO [description] => [author] => Ma.Louella Madel Deveza Dela Cruz [googlescholar] => [doi] => [year] => 2025 [month] => July [volume] => 11 [issue] => 7 [file] => fm/jpanel/upload/2025/July/202507-01-023018.pdf [abstract] => Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa Pagpapaunlad ng Panitikang Lokal bilang Kasanayan sa Pagbasa at Pagpapanatili ng Kulturang Pagbilao.Nilayon nito na masagot ang mga sumusunod na katanungan. Ang antas ng pagpapaunlad ng panitikang lokal batay sa Kasaysayan, Ekonomikong Kalagayan, Turismo, Festival, at Edukasyon. Sumunod ay ang antas ng Kasanayan sa Pagbasa ng mag-aaral batay sa Pag-unawa, Bokabularyo, Simbolismo, Kayarian ng Salita at Estruktura. Ang antas ng Pagpapanatili ng Kulturang Pagbilao sa paraan ng Pagsasabuhay, Pagtanggap sa Kultura, Pagpapahayag ng Identidad at Pagpapahalaga sa Tradisyon. Inalam din ng mananaliksik kung may makabuluhang kaugnayan ba ang Pagpapaunlad ng Panitikang Lokal sa Kasanayan sa Pagbasa. Sa huli, kung may makabuluhang kaugnayan ba ang Pagpapaunlad ng Panitikang Lokal sa Pagpapanatili ng Kulturang Pagbilao. Ang mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong korelasyonal upang matukoy kung may makabuluhang kaugnayan ang pagpapaunlad ng panitikang lokal sa kasanayan sa pagbasa at pagpapanatili ng Kulturang Pagbilao. Ang mga tagasagot sa isinagawang pananaliksik ay binubuo ng tatlong daan na nagmula sa iba’t ibang paaralan ng bayan ng Pagbilao, Quezon. Ang respondente ay pinili sa pamamagitan ng Purposive Sampling. Batay sa resulta ng pag-aaral, ang antas ng Pagpapaunlad ng Panitikang Lokal ay nakakuha ng tugon na Lubos na Sumasang-ayon at berbal na pakahulugan na Pinauunlad Sumunod dito ay ang Pagpapaunlad ng Panitikang Lokal bilang Kasanayan sa Pagbasa ng mag- aaral na nagtamo ng tugon na Lubos na Sumasang-ayon. Nakakuha din ng pangkabuuang berbal na pakahulugan na May Kasanayan. Makikita rin ang magandang resulta ng Pagpapaunlad ng Panitikang Lokal sa pagpapanatili ng Kulturang Pagbilao. Nagkamit din ito ng Lubos na Sumasang-ayon at Napananatili. Lumabas na walang makabuluhang ugnayan sa pagitan ng Pagpapaunlad ng Panitikang Lokal sa Kasanayan sa Pagbasa at Pagpapanatili ng Kulturang Pagbilao. Sa kadahilanang, Walang Makabuluhang Kaugnayan sa pagitan ng Pagpapaunlad ng Panitikang Lokal sa Kasanayan sa Pagbasa at Pagpapanatili ng Kulturang Pagbilao, ang mga haypotesis ay hindi tinatanggap. Ito ay nangangahulugan na ang panitikang lokal ay epektibong instrumento upang mapaunlad ang kasanayan sa pagbasa at mapanatili ang Kulturang Pagbilao. Ang paggamit at pagsasama sa kurikulum ng panitikang lokal partikular sa Filipino, paghimok sa kapwa mag-aaral na basahin ang panitikang lokal at pagsasagawa pa ng mga kaugnay na pag-aaral ang ilan sa mga ibinigay na rekomendasyon ng mananaliksik upang higit na mapaunlad ng panitikang lokal ang kasanayan sa pabasa at mapanatili ang Kulturang Pagbilao. Gayundin maaaring gamitin ng mga susunod na mananaliksik ang pag-aaral na ito upang maging batayan sa pagsasagawa ng panibagong pag-aaral patungkol sa panitikang local. [keywords] => Panitikang Lokal, Pagbasa, Kulturang Pagbilao, Identidad Edukasyon [doj] => 2025-07-14 [hit] => [status] => [award_status] => P [orderr] => 37 [journal_id] => 1 [googlesearch_link] => [edit_on] => [is_status] => 1 [journalname] => EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR) [short_code] => IJMR [eissn] => 2455-3662 (Online) [pissn] => - -- [home_page_wrapper] => images/products_image/11.IJMR.png ) Error fetching PDF file.