GRAMAFIL APP BILANG INTERBENSYON SA PAGPAPAUNLAD NG KAKAYAHANG PANGGRAMATIKA NG MGA MAG-AARAL SA IKASAMPUNG BAITANG


Adela P. Sacay
., .
Abstract
Isa sa tuon ng kasalukuyang kurikulum ay ang malinang ang kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral. Pokus ng pag-aaral na ito ang mga kompetensing panggramatika sa unang markahan na kabilang sa Most Essential Learning Competencies o MELCs. Mahalaga ang pagsipat sa kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral upang matugunan ang anumang gap at makabuo ng angkop na dulog upang maiangat ang kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral. Ang pagkatuto sa gramatika ng mga mag-aaral ay kapaki-pakinabang upang lalo pa nilang mapaunlad ang pagsulat at pagsasalita tungo sa mahusay na kakayahang komunikatibo. Nilayon ng pag-aaral na ito na tukuyin ang antas ng kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral sa ikasampung baitang, nailarawan ang antas ng kakayahan ng mga mag-aaral sa bawat kompetensi, Matukoy ang bisa ng GramaFil App sa pagpapaunlad ng kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral sa ikasampung baitang at kung may makabuluhan bang pagkakaiiba sa kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral bago at pagkatapos gamitin ang GramaFil App. Gumamit ng deskriptibong pamamaraan sa pag-aaral na ito. Batay sa resulta ng isinagawang pag-aaral natuklasan na sa kabuuan, umangat mula sa katamtaman tungo sa mataas na antas ang antas ng kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral gamit ang GramaFil App. Nagpapatunay ito na mas ganap na nauuwaan ng mga mag-aaral ang aralin sa gramatika gamit ang GramaFil App, Samantalang ang kompetensi namang may mababang antas ay umangat sa mataas na antas. Kaugnay nito, upang lalo pang mapaunlad ang akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino, inirerekomenda ng mananaliksik na ipagpatuloy ang paggamit ng GramaFil App hindi lamang bilang interbensyon kundi bilang kagamitang pampagtuturo sa Filipino.
Keywords:
Journal Name :
EPRA International Journal of Research & Development (IJRD)

VIEW PDF
Published on : 2023-06-06

Vol : 8
Issue : 6
Month : June
Year : 2023
Copyright © 2025 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft