ISANG DISKURSONG PAGSUSURI SA ANTAS NG WIKA NA GINAMIT NG MGA MAG-AARAL SA KANILANG ISINULAT NA SPOKEN WORD POETRY
Deah Mae M. Masinadiong, Vicente A. Pines Jr PhD
,
Abstract
Ang layunin ng diskursong pagsusuri na pananaliksik na ito ay makagawa ng isang diskursong pag-aanalisa sa antas ng wika na ginagamit ng mga piling mag-aaral sa pagsulat ng kanilang spoken word poetry. Bilang karagdagan, layunin nito na matukoy ang antas ng wika na ginamit nila sa kanilang pagsulat ng spoken word poetry at mapag-alaman kung paano nakaaapekto ang kaalaman sa paggamit ng iba’t ibang antas ng wika sa pagbuo ng kaisipan o kahulugan ng kanilang tulang isinulat bilang isang uri ng panitikan. Ang pananaliksik na ito ay nakatuon lamang sa pagsusuri ng mga antas nga wika na ginamit ng mga mag-aaral sa Baitang 7 sa pagsulat ng kanilang orihinal na spoken word poetry. Aabot sa 30 akda ang ginamit sa pananaliksik na ito. Pumili ang mananaliksik ng mga mag-aaral mula sa iisang paaralan mula sa Sangay ng Davao Oriental. Ang mga tema ayon sa antas ng wika na natagpuan sa mga piling akda ay ang sumusunod: impormal na wika – balbal, kolokyal, lalawiganin; at pormal na wika. Samantala, ang mga temang nabuo mula sa paghimay-himay sa mga taludtod at saknong upang masagutan ang pangalawang tanong ay ang sumusunod: mga kabiguan ng pusong nagmamahal, mga paghanga ng pusong nagmamahal, at mga kahilingan ng pusong nagmamahal. Gayundin, ang mga temang nabuo mula sa paghimay-himay sa mga taludtod at saknong upang masagutan ang pangatlong tanong ay ang sumusunod: nakapaglalarawan ng ideya, nakapagpapahayag ng damdamin, at nakagagawa ng mga simbolismo. Ang aking pag-aaral ay mahalaga dahil ito ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagsusuri sa antas ng wika sa spoken word poetry, na nagpapalalim sa ating pag-unawa sa kultura at lipunan. Ito ay nagbubukas ng mga pinto ng kaalaman at kaalaman sa mga damdamin at ideya na ipinapahayag ng mga manunulat sa kanilang mga tula. Sa pamamagitan ng pag-unawa sa mga antas ng wika na ginagamit sa spoken word poetry.
Keywords: Filipino, Baitang 7, spoken word poetry, panitikan, mga mag-aaral, probinsya ng Davao Oriental
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Research & Development (IJRD)
VIEW PDF
Published on : 2024-04-17
Vol | : | 9 |
Issue | : | 4 |
Month | : | April |
Year | : | 2024 |