PAGSUSURI SA KAMALIAN SA PAGGAMIT NG INGKLITIK SA TEKSTONG NARATIBO NG MGA MAG-AARAL
Kareen Joy N. Siano LPT
Teacher 1, Mati National Comprehensive High School, Mati City, Davao Oriental, Philippines
Abstract
Nilalayon ng diskursong pagsusuri na pag-aaral na ito na malaman at masuri ang mga kamaliang natamo sa paggamit ng inklitik sa pagsulat ng tekstong naratibo ng mga mag-aaral sa wikang Filipino sa isang pampublikong paaralan sa sangay ng Siyudad ng Mati, sa Taong-Panuruan 2023-2024. Sa pagsusuri sa mga kamaliang natamo ng mga mag-aaral ay ginamit ang limampung (50) akdang pampanitikan partikular na ang sanaysay bilang korpora sa ginawang pag-aaral. Gumamit ng disenyong kwalitatibo na may lenteng error analysis na sang-ayon sa kategoryang iminungkahi ni Corder. Sa pagsusuri sa korpora ng mga mag-aaral lumabas ang kamalian sa apat na kategorya ni Corder (Omission, Addition, Misinformation, at Misorder). Sa kategoryang pagkakaltas lumabas ang pagkaltas sa ingklitik na rin, daw, at raw. Sa kategoryang pagdaragdag natuklasan naman ang pagdaragdag ng raw, daw/umano, at dito. Sa ikatlong kategoryang naman na misinformation o maling pagpili ng ingklitik ay malinaw ang kamalian sa maling pagpili ng ingklitik na din/rin, dito/rito, pa rin, na rin, na raw, dito/rito, at daw/raw. Para naman sa kategoryang maling pagkakaayos tiyak ang natuklasan sa kamalian sa paggamit ng raw/daw at din/rin. Ukol naman sa kung paano nakaapekto ang kamalian sa kawastuhan ng kanilang tekstong naratibo, lumabas ang mga sumusunod na konsepto: nagdudulot ng kalituhan sa pag-unawa, nahahadlangan ang kakayahang magpahayag ng ideya, at nalilimitahan ang kaalaman sa paglilimi ng preskriptibong tuntunin ng wika., at nagsisilbing palatandaan sa mga guro sa pagsukat ng natutuhan sa target na wika. Ang pag-aaral na ito ay magiging ambag sa propesyon ng pagtuturo at sa patuloy na pananaliksik bilang gabay at patnubay sa pagtugon sa mga suliraning kinakaharap ng mga mag-aaral sa morpolohiya o palabuoan ng mga salita.
Keywords: omission, addition, misinformation, misorder, ingklitik, tekstong naratibo, korpora, akdang pampanitikan, Siyudad ng Mati
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Research & Development (IJRD)
VIEW PDF
Published on : 2024-09-08
Vol | : | 9 |
Issue | : | 9 |
Month | : | September |
Year | : | 2024 |