ANTAS NG KAHANDAAN NG MGA GURONG MAGSASANAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO


Ruben A. Indita, Joan S. Bacabac, Arrianne Jane B. Mabahin, Jassel Angel Abuda, Annabelle L. Balderian
Students , Leyte Normal University, Tacloban City, Philippines
Abstract
Ang kurikulum ng undergraduate na edukasyon sa programang Batsilyer sa Edukasyong Pansekundarya ay nagtatakda ng internship o pagsasanay para sa mga gurong magsasanay sa mga paaralan at iba pang mga kasangkot na paaralan. Ito ay nakabatay sa CMO No. 104 s. 2017 na tumutukoy sa praktikal na aplikasyon ng natutuhan ng mga gurong nagsasanay sa silid-aralan tungo sa aktuwal na pagtuturo (Commission on Higher Education [CHED], 2017). Nilalayon ng pag-aaral na ito na matukoy ang antas ng kahandaan ng mga gurong magsasanay sa pagtuturo ng Filipino. Ang pag-aaral na ito ay kwantitatibo na gumamit ng descriptive-correlational research design. Isinagawa ang pananaliksik sa pampublikong paaralan sa lungsod ng Tacloban na kilala sa pagpoprodyus ng mataas na propesyunal sa larangan ng edukasyon at iba pang kaugnay na larangan. Samantala, ang ginamit na instrumento ng mga mananaliksik ay talatanungan na isang structured close-ended questionnaire, gayundin ang adopted survey questionnaire na mula sa pag-aaral ni Benito (2023). Ginamit ang Krejcie at Morgan table sa pagtukoy ng pitumpu’t lima (75) na sample size at fishbowl sampling technique naman sa pagtukoy sa mga respondente ng pag-aaral. Ang tritment ng datos ay ang frequency count, weighted mean, median, at Spearman Rank Correlation Coefficient. Para sa naging resulta ng pag-aaral, natuklasan na may makabuluhang kaugnayan ang akademikong performans sa kahandaan ng mga gurong magsasanay partikular sa paggamit ng wika sa pagtuturo ng Filipino na mayroong ρ=0.502. Inirerekomenda ng mga mananaliksik na magsagawa ng mga seminar at pagsasanay sa paggamit ng wika sa pagtuturo ng Filipino para sa lalong ikagagaling ng pagtuturo ng mga gurong magsasanay.
Keywords: Antas ng kahandaan, Akademikong Performans, Gurong magsasanay, Paggamit ng wika sa pagtuturo
Journal Name :
EPRA International Journal of Research & Development (IJRD)

VIEW PDF
Published on : 2025-03-28

Vol : 10
Issue : 3
Month : March
Year : 2025
Copyright © 2025 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft