PAGPAPAHALAGANG KULTURAL SA MGA KAUGALIAN AT PANINIWALA SA RURAL AT URBAN
Precious Mae David, Ivan Jeff P. Ranit, Kristine H. Florendo, Robelyn S. Enoveso, Therese Kyla A. dela Cruz, Jose G. Enrile
Leyte Normal University, P. Paterno St. Tacloban City, Leyte, Philippines
Abstract
Kalimitang maririnig sa mga pagsasalaysay ng mga matatanda ang kaibahan ng henerasyon nila noon kumpara ngayon, lalong-lalo na ang paraan ng pamumuhay mayroon ang kabataan sa kasalukuyan. Sa pagtalakay nina Dela Torre et. al (2022), binigyang diin ang mababang value sysytem ng kasalukuyang henerasyon at ang kakaibang kilos ng kabataan ngayon sa pananalita, pagkatuto, pakikisalamuha at pagkakaroon ng mga pananaw. Kaya’t nilayon ng pag-aaral na ito na alamin ang pagpapahalagang kultural ng mag Gen Z at mga tiyak na katutubong kaugalian at paniniwalang patuloy nilang isinasabuhay sa kasalukuyang panahon sa mga urban at rural na komunidad. Ang kwalitatibong pananaliksik na ito ay gumamit ng penomenolohikal na disenyo partikular ang transcendental phenomenology sa pangangalap ng datos at isinagawa sa mga Gen Z na nakatira sa isang Highly Urbanized City at outskirt na komunidad o malayo sa lungsod. Sa pangangalap ng datos, gumamit ang pag-aaral ng semi-structured na talatanungan at checklist at inalisa gamit ang Thematic Analysis. Para sa naging resulta ng pag-aaral, natuklasan ang mga katutubong kaugalian at paniniwala tulad ng mga pamahiin at mga ritwal na patuloy na isinasagawa at pinahahalagahan ng mga Gen Z sa rural na komunidad. Sa kabilang dako, lingid sa modernong pamumuhay, pinapahalagahan at isinasabuhay pa rin ng mga Gen Z sa urban na komunidad ang mga kaugaliang nakaugat pa sa sinauna. Sa huli ay masasabing hitik pa rin sa pagpapahalagang kultural ang mga Gen Z sa rural at urban na komunidad, nagkakaiba lang sa pamamaraan at nakasanayang gawain sa bawat komunidad. Inirerekomenda ng pag-aaral na ito ang paggamit ng mga makabagong kagamitan sa pagtatanghal ng mga kaugalian at paniniwalang ito, at pagdaos ng mga gawaing makapagbibigay paliwanag sa kahalagahan ng papel na ginagampanan ng mga pamanang kultural sa kasalukuyang konteksto.
Keywords: Generation Z, Kaugalian, Paniniwala, Rural, Urban
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Research & Development (IJRD)
VIEW PDF
Published on : 2025-05-16
| Vol | : | 10 |
| Issue | : | 5 |
| Month | : | May |
| Year | : | 2025 |