KASANAYAN AT KARANASAN SA PAGSULAT NG MGA MAG-AARAL SA SENIOR HIGH SCHOOL
Maria Nelita M. Fayloga, Rodel B. Guzman
1Central Graduate School, Isabela State University-Echague,St. Ferdinand College, City of Ilagan, Isabela 2Central Graduate School, Isabela State University, Philippines
Abstract
Isinagawa ang pananaliksik na ito sa layuning masuri ang kasanayan at karanasan ng mga mag-aaral sa Senior High School sa gawaing pagsulat. Kinasangkutan ang pananaliksik na ito ng mga mag-aaral mula sa mga pribadong paaralan sa Ilagan City, Isabela na mayroong programang Senior High School. Ang piling mag-aaral ay sumagot ng isang talatanungan at nagsulat ng isang personal na sanaysay bilang lunsaran ng pangunahing datos ng pananaliksik. Napatunayan sa pananaliksik na halos pantay ang kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral sa Filipino, anoman ang kanilang kasarian, gadget na ginagamit sa pag-aaral at edukasyon ng ama. Sa kabilang dako, lumitaw sa pananaliksik na ito na ang mga mag-aaral na ang ina ay mayroong mas mataas na antas ng edukasyon ay mayroong mas mataas na kasanayan sa pagsulat. Sa karanasan sa pagsulat, pinatutunayan sa pag-aaral na ito na halos magkatulad ang karanasan ng mga mag-aaral anoman ang kasarian, gadget na ginagamit, baitang at edukasyon ng mga magulang sa aspeto ng saloobin at pananaw sa gawaing pagsulat at sa relasyon sa pagitan ng guro at mga mag-aaral sa gawaing pagsulat. Sa kabilang dako, pinatutunayan sa pananaliksik na ito na ang mga mag-aaral na cellular phone ang ginagamit na gadget para sa mga gawaing akademiko at ang mga mag-aaral na ang ina ay mayroong mas mababang antas ng edukasyon ang higit na nakararanasan ng suliranin sa gawaing pagsulat partikular as aspeto ng bokabularyo at gramatika at meknaiks. Napatunayan din sa pananaliksik na ito na ang pagkakaroon ng positibong saloobin at pananaw sa gawaing pagsulat at ang pagkakaroon ng positibong relasyon sa pagitan ng guro at mag-aaral sa konteksto ng pagsulat ay nakatutulong upang mapaunlad ang kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral. Sa kabilang dako, ang pagkakaroon naman ng suliranin pagbabantas, kapitalisasyon at pagbubuo ng panimula at wakas ng sulatin ay nakapagdudulot ng negatibong epekto sa kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral.
Keywords: Kasanayan sa Pagsulat, Karanasan sa Pagsulat, Makrong Pangwika
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Research & Development (IJRD)
VIEW PDF
Published on : 2025-05-30
| Vol | : | 10 |
| Issue | : | 5 |
| Month | : | May |
| Year | : | 2025 |