MGA KASANAYANG PANG-KOMUNIKASYON NG MGA GURO AT LAWAK NG PAGGANYAK NG MGA MAG-AARAL SA PAGKATUTO NG FILIPINO


Rodebel A. Linawan
Graduate School Student, Rizal Memorial Colleges, Davao City , Philippines
Abstract
Isinagawa ang pag-aaral na ito upang matukoy ang makabuluhang ugnayan ng kasanayang pang-komunikasyon ng mga guro sa pagtuturo at pagganyak ng mga mag-aaral sa pagkatuto ng Filipino. Ginamit sa pag-aaral na ito ang deskriptib-korelesyon na metodo ng pananaliksik. Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay mga mag-aaral ng ika-10 baitang ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Bernardo D. Carpio ng Cluster 15, Sangay ng Lungsod ng Davao Taong Panuruan 2023-2024. Isang daan at limampu’t dalawa ang kabuoang bilang na pinili sa paraang simple random sampling. Natuklasan na ang antas ng mga kasanayang pang-komunikasyon ng mga guro, ang mga dimensiyon ng paggalang, pagpapahalaga, pagganyak at mapagpalayang saloobin ay may mataas na antas. Sa lawak ng pagganyak ng mga mag-aaral sa pagkatuto ng Filipino, ang apat sa limang indikeytor ng baryabol na ito: kabisaang pansarili, mga aktibong pamamaraan sa pagkatuto, pagpapahalaga sa pagkatuto, pagpapahalaga sa pagganap ay pawang nagtamo ng mean rating na katumbas sa mataas. Isang indikeytor, ang pagpapasigla sa kapaligirang pampagkatuto ang nasa antas katamtaman. Nabunyag din na may makabuluhang ugnayan ang mga kasanayang pang-komunikasyon ng mga guro pagganyak ng mga mag-aaral sa pagkatuto ng Filipino. Dagdag pa, napatunayang ang tatlong dimensiyon: dimensiyon ng paggalang, dimensiyon ng pagpapahalaga, at dimensiyon ng pagganyak ay napatunayang may makabuluhang impluwensiya sa pagganyak ng mga mag-aaral sa pagkatuto ng Filipino.
Keywords: Kasanayang Pang-Komunikasyon, Pagganyak, Filipino, Rehiyon Xi
Journal Name :
EPRA International Journal of Research & Development (IJRD)

VIEW PDF
Published on : 2026-01-21

Vol : 11
Issue : 1
Month : January
Year : 2026
Copyright © 2026 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft