BALIDASYON AT PAGTANGGAP NG INTERAKTIBONG SUPPLEMENTAL NA MODYUL SA PAGGANAP NG MGA MAG-AARAL


Mikee Garcia
TEACHER, LUCBAN ACADEMY
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay may titulong “BALIDASYON AT PAGTANGGAP NG INTERAKTIBONG SUPPLEMENTAL NA MODYUL SA PERFORMANS NG MGA MAG-AARAL”. Layunin ng pag-aaral na ito na mabatid ang kabisaan ng supplemental na kagamitan bilang pantulong sa pagtuturo ng asignaturang Filipino sa mga mag-aaral ng ikapitong baitang sa Taong Panuruan 2020-2021. Naisin din ng pag-aaral na ito na mabatid ang antas ng paggamit ng modyul bilang pantulong sa pagtuturo ng asignaturang Filipino batay sa nilalaman, kaugnayan, hikayat sa gagamit, pagkakaayos at kahalagahan; malaman ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino batay sa paunang pagsusulit at panapos na pagsusulit; malaman kung may makabuluhang pagkakaiba ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral batay sa pauna at panapos na pagsusulit; at mabatid kung mayroon bang makabuluhang relasyon ang paggamit ng modyul bilang supplemental na kagamitan sa pagtuturo ng asignaturang Filipino sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang makabuo ng kagamitang panturo sa ikaapat na markahan ng asignaturang Filipino bilang kagamitan na makatutulong sa pagpapaunlad sa proseso ng pagtuturo ng guro at pagkatuto ng mag-aaral. Nilayon ng pag-aaral na malaman ang lebel ng pagtanggap ng guro at mag-aaral sa modyul. Ito ay isang kwantitatibong pag-aaral at gumamit ng deskriptibong pananaliksik na ginamitan ng talatanungan sa anyong mga tanong at checklist. Ginamit sa pananaliksik na ito ang purposive sampling sa pagpili ng mga tagasagot mula sa mag-aaral at guro para sa pagtanggap ng materyal mula sa Lucban Academy. Ang weighted mean ay ginamit ng mananaliksik bilang pamamaraang estadistika upang matukoy ang lebel ng pagtanggap sa binuong modyul bilang supplemental na kagamitan. Batay sa kinalabasan ng pananaliksik, ang modyul ay lubos na katanggap-tanggap batay sa nilalaman, kaugnayan, hikayat sa gagamit, pagkakaayos at kahalagahan. Ang mga mag-aaral na nakagamit ng binuong supplemental na modyul ay nadagdagan ang kaalaman pagdating sa paksa, mas naipaliwanag nila ang saloobin hingil sa inaaral na mga aralin at naging makabuluhan ang kasagutan na may tumpak na sagot. Sa pagtanggap ng mga guro sa modyul at pagpapagamit sa mga mag-aaral, mas tumaas ang performans ng mga mag-aaral at naging interaktibo ang mga aralin sa ikaapat na markahan sa Filipino. Lubos na mas magiging malawak ang pagkatuto ng mga mag-aaral kung ang modyul na binuo ay ipapagamit pa sa susunod na markahan o baitang. Nangangahulungan lamang na ang kagamitang modyul ay isang mabisang kagamitang panturo na maaring magamit sa pagtalakay ng mga aralin. Nabuo ang mungkahi na sa susunod na pananaliksik ay ipagamit sa guro at mag-aaral ang modyul upang maging gabay sa aralin at maaari pang bumuo ng modyul o iba pang supplemental na kagamitan para sa ibang baitang o ibang markahan na maaaring gamitin sa pagtuturo at pagkatuto upang maging interaktibo ang talakayan
Keywords:
Journal Name :
EPRA International Journal of Research & Development (IJRD)

VIEW PDF
Published on : 2021-07-12

Vol : 6
Issue : 7
Month : July
Year : 2021
Copyright © 2024 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft