SUPPLEMENTAL WORKSHEET: GABAY SA PAGKATUTO AT PAG-UNAWA NG SELF- LEARNING MODULE SA FILIPINO


Marielle P. Aro
Teacher 1, Laguna State Polytechnic University
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong mabatid ang antas ng paggamit ng supplemental worksheet bilang gabay sa pagkatuto at pag-unawa ng self-learning module sa Filipino. Ginamit ng mananaliksik ang deskriptibong pamamaraan upang makapangalap ng impormasyon na kaugnay sa pag-aaral. Ang mananaliksik ay gumamit ng talatanungan at pagsusulit na nakapaloob sa supplemental worksheet na nagsilbing instrumento upang malaman ang datos na may kaugnayan sa antas ng paggamit batay sa nilalaman, organisasyon/pagkakabuo at kaangkupan ng gawain. Pagganap batay sa pagsusulit. Lebel ng pagganap sa supplemental worksheet. Kaugnayan ng talatanungan sa pagganap sa supplemental worksheet at kaugnayan ng pagsusulit sa pagganap sa supplemental worksheet. Ang nakalap na datos ay tinipon at sinuri sa pamamagitan ng istatistikal na pamamaraan tulad ng mean, standard deviation at spearman rho upang malaman ang kaugnayan ng talatanungan at pagsusulit sa pagganap sa supplemental worksheet. Batay sa datos ng makabuluhang kaugnayan ng gabay sa pagkatuto at pag-unawa sa self-learning module sa Filipino sa pamamagitan ng talatanungan at pagsusulit sa lebel ng pagganap ng mga mag-aaral sa supplemental worksheet lumabas na ito ay may kaugnayan. Nangangahulugan lamang ito na naging epektibo ang paggamit ng binuong supplemental worksheet sa pagpapataas ng lebel ng pagganap ng mag-aaral sa pamamagitan ng talatanungan at epektibong pagsasagot sa pagsusulit na nakalahad sa supplemental worksheet. Iminumungkahi ng mananaliksik na ang mga binuong supplemental worksheet para sa mga mag-aaral ng ikapitong antas ay maaaring gamitin bilang pantulong sa pagtuturo at pagkatuto sa asignaturang Filipino hindi lamang sa distance learning pati na rin sa harapang pagtuturo. Hinihikayat ang susunod na bubuo ng kaugnay na pananaliksik ang paggamit ng mas maraming supplemental worksheet gayundin ang paggamit ng mas maraming tagatugon upang maging batayan ng mas malalim na pag-aaral na makatutulong sa pagpapaunlad ng kagamitang pampagkatuto.
Keywords: self-learning module, supplemental worksheet, pagganap
Journal Name :
EPRA International Journal of Research & Development (IJRD)

VIEW PDF
Published on : 2021-07-12

Vol : 6
Issue : 7
Month : July
Year : 2021
Copyright © 2024 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft