KARANIWANG GRAMATIKANG PAGKAKAMALI SA PAGSULAT NG SANAYSAY TUNGO SA LINGGUWISTIKONG KASANAYAN


Antonio C. De Los Reyes
TEACHER II, LAGUNA STATE POLYTECHNIC UNIVERSITY
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay layuning kilalanin, ilarawan, ipangkat at suriin ang mga karaniwang gramatikang pagkakamali ng mga Senior High School sa pagsulat at kaalaman sa linggwistikong kasanayan. Ang mananaliksik ay gumamit ng pamamaraan ng deskriptibong pananaliksik kasama ng pag-aanalisa ng datos. Binigyang pansin ng pananaliksik na ito ang mga salik na nakakaapekto sa paggawa ng mali sa gramatika ng Senior High School sa Technical-Vocational-Livelihood Industrial Arts Shielded Metal Arc Welding, Technical-Vocational-Livelihood Home Economics Caregiving at Academic-Humanities and Social Sciences ng Buenavista Integrated National High School para sa taong 2020-2021 at ginamitan ng istatistikal na pamamaraang weighted mean at standard deviation na pagsulat. Mga tanong ang ginamit upang makalap ang mga salik na nakakaapekto sa mga mag-aaral sa paggawa ng mali sa gramatika sa pagsulat ng Filipino. Ang ginamit na istatistikal na pamamaraan at statistically treatment para malaman ang porsyento at karaniwang pagkakamali sa gramatika. Ang kabisaan sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa pagsulat ng sanaysay sa Filipino ay naging positibo at tinanggap ng mananaliksik batay sa mga naging sa mga tanong at pagsusulit na ginawa. Ayon sa mga krayteryang inilahad sa pagtatanong at pagtataya ay naging resulta na may kabuuang interpretasyong mataas. Ang antas ng kaalaman na ipinakita ng mga mag-aaral sa lingguwistikong kasanayan sa pagtataya na may kinalaman sa istruktura ng salita, pagbuo ng pangungusap, at bokabularyo / pangkahulugan ng salita ang naging resulta ay may kabuuang interpretasyon na kasiya-siya. Ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral na ipinamalas sa pagsulat ng sanaysay sa antas ng kaalaman sa lingguwistikong kasanayan, ay ipinakita din ng datos na nakalap na walang bisang palagay na “walang makabuluhang kaugnayan ng mga salik panghikayat sa pagsulat ng sanaysay sa antas ng kaalamang lingguwistikong kasanayan ng mga tagatugon”, sa pagkatuto ng mga mag-aaral batay sa pagsulat ng sanaysay ay nakakuha ng “May makabuluhang” Kaugnayan sa pagitan nila. Sa mga guro, sa Junior High School at Senior High School sa asignaturang Filipino, Ipagpatuloy natin ang magandang simulain at pagbuo ng mga kagamitang pagtuturo na maaaring makatulong at mahikayat ang mga mag-kasanayan upang makabuo ng iba’t ibang Estratehiya sa pagtuturo ng tamang pagsulat ng sanaysay at huwag mapagod sa pagwawasto ng mga sulatin ng mag-aaral at iyon ng sa gayon ay gawin nang maging magaling ang mga mag-aaral sa pagsulat ng iba’t ibang sulatin. Sa mga mag-aaral, mahalin, igalang ang mga guro na walang sawa sa pagbibigay ng kaalaman at seryosohin at sikaping mapahalagahan ang mga kagamitang pagtuturo na inihahanda ng guro. Sikaping makakuha ng magandang marka sa mga pagsusulit na ibinibigay ng guro, ito man ay pasalita o pasulat. Sa susunod na mananaliksik, iminumungkahing irebisa pa ng husto ang ginawang pag-aaral hinggil sa Karaniwang Gramatikang Pagkakamali sa Pagsulat ng Sanaysay Tungo sa Lingguwistikong Kasanayan
Keywords:
Journal Name :
EPRA International Journal of Research & Development (IJRD)

VIEW PDF
Published on : 2021-07-12

Vol : 6
Issue : 7
Month : July
Year : 2021
Copyright © 2024 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft