KAHANDAAN NG MGA GURO NA NAGTUTURO NG ASIGNATURANG FILIPINO SA PAGGAMIT NG GOOGLE CLASSROOM


Rachel D. Buenviaje
Teacher II, Masico National High School
Abstract
Ito ang lagom, ang mga natuklasan, ang konklusyon at rekomendasyon na kaugnay sa Kahandaan ng mga Gurong Nagtuturo ng Asignaturang Filipino sa Paggamit ng Google Classroom sa Laguna State Polytechnic University Taong Panuruan 2020-2021. Ang mga datos sa nasabing pananaliksik ay galling sa labing-isa (11) guro mula sa iba’t ibang kolehiyo ng nasabing unibersidad upang bigyang kasagutan ang mga inilatag na katanungan ng mananaliksik.. Deskriptibong disenyo ng pananaliksik ang ginamit sa pag-aaral at sa pamamagitan ng frequency at percentage upang malaman ang simpleng pagbilang sa bawat sagot sa mga tanong, sa pagkuha ng antas ng kahandaan ng mga guro na nagtuturo ng Asignaturang Filipino sa paggamit ng google classroom, paggamit ng Uri ng Dulog sa Panitikan at Wika ay gagamitin ang Mean at Standard Deviation at Multiple Regession para malaman ang epekto ng profayl ng mga guro, kahandaan ng mga Guro na Nagtuturo ng Asignaturang Filipino sa paggamit ng google classroom, paggamit ng uri ng Dulog sa Panitikan at Wika. Ang Estado ng Profayl ng mga Guro Una, Edad, nakakuha ng bilang pito (7) ang nasa edad na 29 gulang pababa . Pangalawa ang Kasarian marami ang bilang ng mga gurong lalaki na may bilang na anim (6) sinundan ng mga gurong babae na may bilang na (5) Pangatlo, Kolehiyong kinabibilangan nakakuha ng pantay na bilang ang “College of Arts and Sciences” at “College of Teacher Education” na may bilang, Pang-apat, Taon ng Pagtuturo pinakamataas ang 1 hanggang 5 taon na bilang na 8. Ang antas ng kahandaan ng mga guro na nagtuturo ng Asignaturang Filipino sa paggamit ng google classroom batay sa Personal na Kamalayan, Kawilihan, Aksesibiliti, Pagsasanay, Talakayan at Takdang-Aralin ay kapwa nakakuha ng ganap na sumasang-ayon at literal na paliwanag na lubhang mataas. Ang antas ng Paggamit ng uri ng Dulog sa Panitikan batay sa Pamamaraang Tanong-Sagot, Pamamaraang Paulat, at Pagkatutong Interaktibo ay kapwa nakakuha ng ganap na sumasang-ayon at literal na paliwanag na lubhang mataas. Ang antas ng Paggamit ng Uri ng Dulog sa Wika batay sa Pamamaraang Pabuod at Pamamaraang Panayam ay kapwa nakakuha ng ganap na sumasang-ayon at literal na paliwanag na lubhang mataas. May makabuluhang epekto ng Profayl ng mga guro sa paggamit ng Uri ng Dulog sa Panitikan at sa Wika. May makabuluhang epekto ng kahandaan ng mga guro na nagtuturo ng asignaturang Filipino sa Paggamit ng google classroom batay sa Paggamit ng Dulog sa Panitikan at Wika. Ang resulta sa nasabing pananaliksik ay sumasalamin an lubhang katanggap-tanggap ang paggamit ng aplikasyong Google Classroom sa pagtuturo sa Asignaturang Filipino ng mga Guro mula sa unibersidad ng Laguna State Polytechnic University. Inererekomenda ng mananaliksik na ang mga guro ay patuloy na dumalo sa mga palihan tungkol sa paggamit ng google classroom upang pag-ibayuhin pang ganap ang pagkatuto nila nito.
Keywords:
Journal Name :
EPRA International Journal of Research & Development (IJRD)

VIEW PDF
Published on : 2021-07-15

Vol : 6
Issue : 7
Month : July
Year : 2021
Copyright © 2024 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft