PAGGAMIT NG 'BASA-PANG-UNAWA APP' ISANG KAGAMITAN BILANG INTERBENSIYON SA PAGKATUTO SA PAGGANAP NG MGA MAG-AARAL
Glenn D. Nonggod
Teacher , Laguna State Polytechnic University
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay may titulong “BASA-PANG-UNAWA APP: PAGGAMIT NG “BASA-PANG-UNAWA APP’’ ISANG KAGAMITAN BILANG INTERBENSIYON SA PAGKATUTO SA PERFORMANS NG MGA MAG-AARAL
Layunin ng pag-aaral na ito na mabatid ang kabisaan ng aplikasyong Basa-Pang-unawa App bilang interbensiyon sa pagkatuto sa performance ng mga mag-aaral ng asignaturang Filipino sa mga mag-aaral ng ikapitong antas (7) sa Taong Panuruan 2020-2021.
Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sapagkat naisin nitong mabatid ang pagkatuto ng mga mag-aaral at mapataas ang antas at lebel ng kanilang performans at pagkatuto sa pamamagitan ng paggamit ng Basa-Pang-unawa App. Sa pamamagitan nito mas naging kawili-wili ang pagkatuto ng mag mag-aral. Nalalaman din ang resulta ng paunang pagsusulit at panapos na pagsusulit; malaman kung may makabuluhang pagkakaiba ang antas ng pagganap ng mga mag-aaral batay sa pauna at panapos na pagsusulit; at mabatid kung mayroon bang makabuluhang relasyon ang paggamit ng Basa-Pang-unawa App bilang interbensiyon sa pagkatuto sa performans ng mga mag-aaral
Deskriptibong pamamaraan ang ginamit ng mananaliksik upang makuha ang mga kinakailangang datos. Apatnapung(40) mga mag-aaral ang naging respondente ng pag-aaral mula sa Pag-asa National High School na ginamitan ng “Purposive Sampling Techniqueâ€.
Sa pagsasagawa ng pag-aaral, gumamit ang mananaliksik ng paunang pagsusulit, panapos na pagsusulit at talatanungan.
Batay sa nakuhang mga datos, ang mga nilalaman , pagsasanay at layunin nito kapwa lubhang mataas.
Ukol sa kinalabasan ng antas ng pauna at panapos na pagsusulit ng mga mag-aaral, ito ay may markang katamtamang taas. Nangangahulugang walang makabuluhang pagkakaiba ng antas ng pagganap ng mga mag-aaral batay sa pauna at panapos na pagsusulit.
Ang haypotesis na walang makabuluhang pagkakaiba ang antas ng pagganap ng mga mag-aaral batay sa pauna at panapos na pagsusulit ay hindi tinanggap sapagkat nagkaroon ng makabuluhang pagkakaiba pagitan nito. Ito ay nangangahulugan na naging mabisa ang paggamit ng nasabing makabagong pandulog at estratehiya sa pagtuturo ng asignaturang Filipino.
Ang haypotesis walang makabuluhang epekto ang paggamit ng Basa-Pang-unawa App bilang interbensiyon sa Pagkatuto sa Performans ng mga mag-aaral sa Asignaturang Filipino sa pagganap ng mga mag-aaral ay hindi tinanggap. Samakatuwid, makabuluhang kaugnayan sa pagitan nito. Nangangahulugan ito na mahalaga ang paggamit ng Basa-Pang-unawa App bilang interbensiyon sa pagkatuto sa performans ng mga mag-aaral.
Keywords:
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Research & Development (IJRD)
VIEW PDF
Published on : 2021-07-16
Vol | : | 6 |
Issue | : | 7 |
Month | : | July |
Year | : | 2021 |