ABILITY TO ANALYZE A WRITTEN NOVEL AND FILMED THE STUDENTS WHO WERE TENTH GRADE OF PRMSU IBA, CAMPUS SCHOOL YEAR 2018 - 2019
Garry F. Almazan
Instructor 1, President Ramon Magsaysay State University
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa kakayahan sa pagsusuri ng nobelang nakasulat at nakapampelikula ng mga mag-aaral na nasa ikasampung baitang ng PRMSU Iba, Campus Taong Panuruan 2018 – 2019. Ang mga kalahok sa paglikom ng datos ay ang mga mag-aaral na nasa Ikasampung baitang ng PRMSU Junior High School Iba, Campus, Iba, Zambales na nasa pamamahala ng kanilang Punong-guro. Ang respondente ng pag-aaral na ito ay binubuo ng apatnapu’t limang mag-aaral na nasa ikasampung baitang sa Junior High School ng PRMSU Iba, Campus, Zambales Taong Panuruan 2018-2019. Saklaw ang makrong kasanayan sa pagbasa at kasanayang panonood. Ang nobelang nakasulat at nakapampelikula na tinalakay at sinuri ay Bata…Bata…Paano Ka Ginawa, isang pelikulang nagwagi sa iba’t ibang kategorya sa katauhan ni Lea Bustamante isang matatag at mapagmahal na ina sa kabila ng maraming pagsubok na kinaharap sa buhay. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa taong panuruan 2018 – 2019. Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng Deskriptibo at Eksperimental na pamamaraan sa pananaliksik. Ang rubrik na minodipika ng mananaliksik ang ginamit sa pagtataya ng kakayahan sa pagsusuri ng nobelang nakasulat at nakapampelikula ng mga mga-aaral at ang talatanungan bilang pagtataya ng mga guro sa Filipino sa nabuong interbensyong materyal ng mananaliksik. Ginamit ng mananaliksik ang Frequency ang kabuuang bilang ng mga mag-aaral na magkaroon ng mataas at mababang iskor sa pagsusuri. Sa pagtataya ng mga guro sa Filipino sa gamit o halaga ng nabuong interbensyong materyal sa pagsusuri ng nobelang nakasulat at nakapampelikula, ang weighted mean ang ginamit na batayan. Ang pagtataya ay ibinatay sa panukalang Likert (Likert’s Scaling Technique). Ito ay ang tseklist na ipinasagot sa mga gurong tagataya ng gamit o halaga ng nabuong interbensyong materyal.
Keywords: Nobelang Nakasulat, Nobelang Nakapampelikula, Kakayahan sa pagsusuri, Aral, Tauhan, Kuwento o Istorya, Pamagat, Diyalogo, Tema o Paksa
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Research & Development (IJRD)
VIEW PDF
Published on : 2022-01-25
Vol | : | 7 |
Issue | : | 1 |
Month | : | January |
Year | : | 2022 |