DULOG EKLEKTIK MODYULAR: TUNGO SA KASANAYAN SA PAGSULAT SA BAGONG NORMAL NA EDUKASYON
Ethel T. Rapliza
Teacher/Masters Degree Student, Jose Rizal Memorial State University
Abstract
Nilayon ng pag-aaral na masuri ang kabisaan ng Dulog Eklektik Modyular tungo sa kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral sa Baitang 9 ng Baliangao School of Fisheries taong panuruan 2020-2021 sa pamamagitan ng (1)pagtukoy ng propayl ng mga mag-aaral bilang mga independent baryabol tulad ng edad, kasarian at ekonomik istatus ;(2) pagsuri sa lebel ng kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral sa panimula at pangwakas na pagtataya alinsunod sa pagbabaybay, pagbabantas at paggamit ng salita ; (3) pagtukoy sa makabuluhang pagkakaiba ng performans ng mga mag-aaral sa panimula at pangwakas na pagtataya patungo sa bawat independent baryabol; at (4) pagsukat sa kabisaan ng Dulog Eklektik Modyular ayon sa pag-unlad ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat. Natuklasan sa pag-aaral na mayroong makabuluhang pagkakaiba ang performans ng mga mag-aaral sa panimula at pangwakas na pagtataya at natukoy na walang makabuluhang pagkakaiba ang edad at ekonomik istatus ng mga mag-aaral sa kanilang performans sa dalawang pagtataya subalit nagkaroon ng makabuluhang pagkakaiba ang performans ng babae at lalake sa pangwakas na pagtataya sa pagsulat ngunit hindi nagkakaiba sa panimulang pagtaya. Napatunayan rin ng pag-aaral na ito na talagang may kabisaan ang Dulog Eklektik Modyular sa pagpapaunlad ng kasanayang pasulat ng mga mag-aaral sa bagong normal na edukasyon. Dahil sa resulta ng pag-aaral, iminumungkahi ng mananaliksik na gamitin ng mga guro ang nabuong modyul ng mananaliksik bilang interbensiyon tungo sa kasanayan sa pasulat ng kanilang mga mag-aaral sa distance learning ng bagong kalakaran ng edukasyon.
Keywords: Dulog Eklektik Modyular, lebel, kasanayan, pagbabaybay, pagbabantas at paggamit ng salita.
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Research & Development (IJRD)
VIEW PDF
Published on : 2022-07-18
Vol | : | 7 |
Issue | : | 7 |
Month | : | July |
Year | : | 2022 |