Dr. Jessica Marie I. Dela Pena
Graduate Research Chairperson, College of Teacher Education
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong pagtibayin ang integrasyon ng edukasyong gender sa pagtuturo ng panitikan sa kolehiyo at masuportahan ang mga programa ng Tanggapan ng Gender and Development sa mga kolehiyo ng ating unibersidad upang maitaguyod ang pantay na karapatan at oportunidad para sa mga kababaihan at kalalakihan, at mahawan ang diskriminasyon at di pantay na pagtrato sa mga kababaihan sa aspetong ekonomik, politikal, sosyal at kultural na namamayani sa ating lipunan Ang ginamit na pamamaraan sa pag-aaral na ito ay palarawang pananaliksik o “Descriptive Research” na kung saan gumamit ang mga mananaliksik ng talatanungan, obserbasyon, at panayam sa pagkalap ng mga kailangang datos sa pag-aaral. Ginamit na kalahok ang 3 gurong nagtuturo ng asignaturang Filipino at ang mga piling kabuuang isandaan at dalawampung (120) mag-aaral sa Kolehiyo ng Sining at Agham Panlipunan (CASS). Itinuos sa weighted mean ang mga nakalap na datos at matamang sinuri at binigyang interpretasyon.
Keywords: Gender Equality sa Pagtuturo ng Filipino sa Kolehiyo.
Journal Name :
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)

VIEW PDF
Published on : 2023-02-07

Vol : 9
Issue : 2
Month : February
Year : 2023
Copyright © 2024 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft