PAGBUO AT BALIDASYON NG KAGAMITANG PAMPAGKATUTO SA FILIPINO SA KOLEHIYO


Dr. Jessica Marie I. Dela Pena
Graduate Research Chairperson, College of Teacher Education/ Tarlac State University
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagbuo, balidasyon at antas ng pagtanggap ng teksbuk, ang Kontekstwalisadong Komunikasyon Sa Filipino bilang sanggunian at lunsaran ng karunungan sa kolehiyo sa pagtataguyod sa wikang Filipino at bilang wikang panturo sa sistema ng edukasyon ayon sa nakasaad sa probisyong pangwika ng Saligang Batas ng 1987 sa Artikulo XIV Sec. 6 at 7. Ginamit sa pag-aaral ang disenyong Research and Development at random sampling naman sa mga tagasagot na kalahok. Upang mataya ang kabisaan, dumaan sa masusing pagsisiyasat mula sa mga eksperto upang matiyak ang kaangkupan nito sa bawat mag-aaral na kumukuha ng kursong Kom Fil 1. Ginamit ang ADDIE Model sa proseso ng pag-aaral na siyang nakatugon sa layunin ng pananaliksik. Una, nagkaroon ng pag-aanalisa sa kompitensing nakapaloob sa Fil 1. Sumunod ay ang pagdidisenyo, sa kung paano ang kalalabasang mukha ng teksbuk. Sa pagdedebelop naman ay nilinang ang mga kabanta at ilustrasyon at mga pagsasanay na makatutulong sa paghubog at pag-unawa sa araling Fil 1. Kabilang din dito ang mga likhang akda ng mananaliksik upang makatugon sa kompetensing hinihingi ng/sa syllabus. Ang implementasyon ay ang prosesong pagganap sa paggamit ng teksbuk sa buong semestre ng klase. At ang huli ay ang balidasyon na siyang kinakitaan ng kahusayan at kagalingan sa nabuong teksbuk. Natuklasan mula sa mga datos, ang kahalagahan ng teksbuk sa proseo ng pagkatuto at pagtuturo ng mga guro sa kursong Kom Fil 1. Mula sa nabuong teksbuk ang balidasyong natamo nito sa layunin, nilalaman, organisasyon at pagsasanay ay may interpretasyong “Pinakamataas na Katanggap-Tanggap”. Tanging sa presentasyon na may “Mataas na katanggap-tanggap” na interpretasyong berbal. Sapat upang mapatunayan pa rin na ang nabuong teksbuk ay mahusay at nakatutulong bilang kagamitang lunsaran sa pagtuturo’t pagkatuto. Natuklasan ding ang antas ng pagtanggap ng mga mag-aaral ay nakapagtala ng pinakamataas na katanggap-tanggap at ang nakuhang grado ng mga karamihan ay may napakahusay na interpretasyon. Gayundin, ito ay naimungkahing gamitin sa kursong Kom Fil 1. Dahil din dito, naimungkahing magsagawa ng ganitong mga uri ng pananaliksik na balidasyon sa mga research and development na disenyo upang malubos at matiyak ang kaangkupan at kahusayan ng isang kagamitang makatutulong sa pagtuturo’t pagkatuto. Maging ang patuloy na pagtangkilik nito sa iba pang mga guro’t unibersidad na may ganitong kurso. Ang paglahok din ng mga seminar sa pagbuo ng ganitong mga kagamitan ay naimungkahi na siya ring sinangayunan ng mga kalahok na nagpapatunay na higit na makikita ang bisa at galing ng isang guro sa pagbuo niya at paglikah ng mga ganitong instraksyunal na kagamitan mula sa mga palihan at seminar na nakatutugon sa mas mataas na lundo ng paggawa at pagdedebelop sa pangunguna ng Pamantasang Sentro ng Wikang Filipino
Keywords: teksbuk, KOMFIL (Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino), balidasyon, at antas ng pagtanggap.
Journal Name :
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)

VIEW PDF
Published on : 2023-02-07

Vol : 9
Issue : 2
Month : February
Year : 2023
Copyright © 2024 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft