KONTEKSTWAL NA PAGSUSURI SA MGA KUWENTONG PAMBATA: TUON ANG KUWENTONG PANGKALIKASAN


Andrea P. Adigue PhD
Associate Prof 5, Nueva Ecija University of Science and Technology,Philippines
Abstract
Ang panitikang pambata ay hindi lamang pambata, dahil bukod sa kakayahan nitong magbigay ng kaalaman at tulungan ang bata na maintindihan at matutuhang magamit ang wika, taglay din nito ang kakayahang mailipat o maipasa ang kultura ng isang lipunan sa mga batang binabasahan o nagbabasa. Tatlo ang kuwentong Pambata na sinuri at gamit ang Ekokritisismo sa pagsusuri. Lumabas sa pagsusuri ang direktang paglalahad at paglalarawan sa panimula ng mga kuwento na nagbubukas sa kamalayan ng mga bata. Sa saglit na kasiglahan ay nagpakita ng mga salitang nagpagalaw sa imahinasyon, diyalogo at pagsasalaysay, simbolismo at mga tayutay, at matatalinghagang salita. Sa Katawan, ipinakita ang kinaharap na parusa ng mga tauhan na nagbigay daan upang magkaroon ng kulay ang mga pangyayari na nagdulot ng pagiging matatag at positibo sa buhay ng mga tauhan, at sa Wakas, ipinakita ang malungkot na kinahinatnan sapagkat naubos ang lahat ng kanilang ari-arian, natuto at nagbago ang pag-uugali.
Keywords: Ekokritisismo, Kuwentong Pambata, Kuwentong Pangkalikasan, climate change
Journal Name :
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)

VIEW PDF
Published on : 2023-02-09

Vol : 9
Issue : 2
Month : February
Year : 2023
Copyright © 2024 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft