PAGDALUMAT SA HAMONG KINAKAHARAP NG MGA GURO SA FILIPINO 7 SA KAKULANGAN SA REHIYONAL NA AKDANG PAMPANITIKAN
Fatimae S. Villarasa, Susan B. Dipolog PhD
,
Abstract
Ang layunin ng penominolohikal na pananaliksik na ito ay tuklasin ang mga pagdalumat ng mga hamong kinakaharap ng mga guro sa Filipino 7 sa Sangay ng Dabaw Oryental tungkol sa kakulangan ng rehiyonal na akdang pampanitikan. Ito ay partikular na tutuklas sa mga hamon na kanilang kinakaharap, ang mga paraano ng pagharap na kanilang ginagamit, at ang kanilang mga pananaw kung paano tutulungan ang mga guro sa ganitong uri ng suliranin. Saklaw ng pananaliksik na ito ang mga karanasan ng labing-apat (14) na mga guro sa Filipino 7 ng Sangay ng Dabaw Oryental at itutuon ang pananaliksik sa kanilang mga karanasan sa pagdalumat ng mga hamong kinakaharap ng mga guro sa Filipino 7 sa kakulangan sa rehiyonal na akdang pampanitikan. Ang mga nasuring pahayag na mula sa tugon ng mga partisipante tungkol sa naranasang mga hamon ay ang mga sumusunod na tema: kahirapan sa paghahanap ng mapagkukunan ng mga rehiyonal na akda; kahirapan sa pagtalakay at pag-unawa sa akdang pinili; ipaghina ing isariling ipagkakakilanlan;I pagkawala ing iinteres ing imga imag-aaral; iat kawalan ng katiyakan sa kawastuhan ng mga akdang nakalap. Tungkol naman sa pamamaraan nila sa pagharap ng mga nasabing hamon, lumabas ang mga sumusunod na tema: pagiging mapamaraan sa pangangalap ng rehiyonal na akda; pagkakaroon ng motibasyong makapagbigay ng tamang kaalaman; pakikipagtulungan sa kapwa guro; at pagsangguni sa mga eksperto. Tungkol naman sa kanilang mga pananaw, lumutang ang mga sumusunod na tema: kahalagahan ng positibong pananaw bilang guro; pagpapalawig sa panrehiyunal na mga akda sa panitikan; at pagpapaigting sa pananaliksik ng mga guro. Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sapagkat naglalayong bigyan-diin ang kahalagahan ng rehiyonal na akda sa panitikan sa pagpapalalim ng kaalaman at pag-unawa ng mga guro sa Filipino. Sa pamamagitan nito, maaaring mapalawak ang saklaw ng pag-aaral sa Filipino at maipakita ang kahalagahan ng kultura at panitikang local sa Lipunan.
Keywords: guro sa Filipino 7, rehiyonal na akda, panitikan, mga mag-aaral, probinsya ng Dabaw Oryental
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)
VIEW PDF
Published on : 2024-03-20
Vol | : | 10 |
Issue | : | 3 |
Month | : | March |
Year | : | 2024 |