PAGGALUGAD SA MGA ESTRATEHIYA NG MGA GURO SA FILIPINO SA PAGSULAT NG SARILING KATHANG STORYBOOK: ISANG KWALITATIBONG PAG-AARAL


Heide Mae S. Tero, Susan B. Dipolog PhD
,
Abstract
Ang layunin ng kwalitatibong pananaliksik na ito ay galugarin ang mga estratehiya ng mga guro sa Filipino sa pagsulat ng sariling kathang storybook sa Sangay ng Mati, Davao Oriental. Ito ay partikular na tutuklas sa mga estratehiya ng mga guro sa Filipino sa pagsulat ng sarili kathang storybook, mga hamon na kinakaharap dahil sila ay nagtuturo sa elementarya ngunit nakapagtapos ng pangsekundarya, at kanilang mithiin at adhikain. Saklaw ng pananaliksik na ito ang karanasan ng labing-apat (14) na mga guro sa Filipino ng Sangay ng Mati, Davao Oriental at nakatuon ang pananaliksik sa kanilang karanasan sa paglapat ng estratehiya sa pagsulat ng sariling kathang storybook.Ang mga nasuring pahayag na mula sa tugon ng mga partisipante tungkol sa estratehiya ng mga guro sa Filipino na nilapat upang mabuo ng sariling kathang storybook ay ang sumusunod na tema:pagpukaw ng interes;paglapat ng gintong aral;pag-ugnay sa karanasan ng mag-aaral; pag-akma sa kakayahan ng mambabasa; at pagpapaunlad sa kasanayan. Kaugnay naman sa mga hamon sa pagsulat ng mga guro sa Filipino na nagtuturo sa elementarya ngunit nakapagtapos ng pangsekundarya ay lumitaw ang sumusunod na tema: kakulangan ng karanasan ng mga guro; kahirapan sa paggamit ng angkop na salita; kawalan ng pagsasanay sa pagsulat; at kakulangan ng primaryang sanggunian.Tungkol naman sa mithiin at adhikain ng mga guro sa Fiipino, lumutang ang sumusunod na tema: mahimok ang mga gurong gamitin ang kagamitang pagtuturo;mapaunlad ang pagbasa at pagkatuto ng mag-aaral; mapayabong ang pagtaguyod ng kultura at wikang Filipino; mahikayat ang mga guro na maging manunulat;at mailapat ang nakapaloob na gintong aral sa nabasang storybook. Mahalaga ang pag-aaral na ito sapagkat naglalayong bigyang-diin na himukin ang mga gurong manunulat sa Filipino gamit ang mga estratehiyang lumitaw upang marami pang kagamitang pampagkatuto ang mabubuo. Sa pamamagitan nito, maaaring maraming mga mag-aaral ang matutulongan at mapaunlad ang kanilang kasanayan sa pagbasa.
Keywords: guro sa Filipino, storybook, estratehiya, sariling katha, mga mag-aaral, Mati, Davao Oriental
Journal Name :
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)

VIEW PDF
Published on : 2024-03-31

Vol : 10
Issue : 3
Month : March
Year : 2024
Copyright © 2025 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft