KARANASAN NG MGA GURO SA PAGGAMIT NG METAKOGNITIBONG PAGBASA SA PAGTUTURO NG FILIPINO: ISANG PENOMENOLOHIYANG PAG-AARAL
Ansar D. Amiang, Diza M. Rolida
,
Abstract
Ang layunin ng penomenolohiyang pananaliksik na ito ay matukoy at magalugad ang karanasan ng labing-apat (14) na mga guro ng Senior High School sa pampublikong paaralan ng Hilagang Mati, Sangay ng Lungsod ng Mati, Davao Oriental sa paggamit sa metakognitibong pagbasa sa pagtuturo ng Filipino. Dagdag pa, ito ay inasahang makapagbibigay tugon sa mga hamong naranasan ng kaguruan. Ang mga naging partisipante sa penomenolohikal na pag-aaral na ito ay pinili gamit ang purposive sampling. Ang mga tugon ay nakalap gamit ang pinalalim na panayam at pangkatang talakayan. Ito ay sinuri gamit ang tematikong pag-aanalisa. Ang mga nasuring pahayag tungkol sa karanasan sa paggamit ng metakognitibong pagbasa ay: kakulangan sa kasanayan sa metakognitibong pagpapabasa; kakulangan sa kaalaman sa pagpapabasa; kahirapan sa pag-unawa sa tekstong binasa; kahinaan sa kasanayan sa pagpapakahulugan; at kakulangan ng tekstong babasahin. Tungkol naman sa tanong kung paano hinarap ang mga hamon na naranasan, ang mga nabuong tema ay: pagsagawa ng ebalwasyon sa pagbasa; paggamit ng iba’t ibang estratehiya sa pagbasa; pagkuha sa interes ng mambabasa; pagpapaunlad ng bokabularyo; at paghahanap ng mga tekstong babasahin. Ang mga pangunahing tema na: magkaroon ng plano sa pagbasa; magkaroon ng sapat na kaalaman sa paggamit ng metakognitibong pagbasa; matukoy ang kakayahan sa pagpapabasa; mahimok ang interes sa pagbabasa; maipagpatuloy ang paggamit ng metakognitibong pagbasa; at magkaroon ng angkop at sapat na tekstong babasahin ay mga lumitaw na tema tungkol sa posibleng implikasyon sa karanasan ng mga guro. Mahalaga ang pananaliksik na ito sapagkat matutulungan ang kaguruan kung paano at ano ang akmang pamamaraan ng paggamit ng metakognitibong pagbasa bilang estratehiya sa pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino.
Keywords: karanasan, guro sa senior high school, metakognitibong pagbasa, pagtuturo, asignaturang Filipino, penomenolohiya, Sangay ng Lungsod ng Mati
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)
VIEW PDF
Published on : 2024-04-03
Vol | : | 10 |
Issue | : | 3 |
Month | : | March |
Year | : | 2024 |