PAGLAKBAY SA KARANASAN NG MGA GURO SA PAGTUTURO NG PANITIKAN AT BALARILA BATAY SA MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES (MELCs)


Jackelyn N. Cabasan, Shirrey Ian B. Abueva
Master of Arts in Education Major in Filipino, St. Marys College of Tgum, Inc., Graduate Education Department, Tagum City Philippines
Abstract
Ang layunin sa penomenolohikal na pananaliksik na ito ay mapakinggan at maunawaan ang buhay na karanasan ng mga taong nasa larangan ng pagtuturo partikular sa Junior High School na nagtuturo ng Filipino sa mga pampublikong paaralan. Upang matamo ang adhikaing ito, kwalitatibo at penomenolohokal na disenyo ng pag-aaral ang ginamit. Labing-apat (14) na mga guro mula sa Distrito ng Carmen, Dibisyon ng Davao del Norte ang napiling maging kalahok o partisipante ng pag-aaral. Ang masaganang mga tugon ng mga kalahok ay nakabuo ng sumusunod na mga pangunahing tema. Ayun sa karanasan ng mga guro sa pagtuturo ng panitikan at balarila batay sa Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto o MELCs lumitaw ang apat na tema: (1) kaginhawaan sa pagtuturo, (2) kahirapan sa pagtamo sa pangangailangan ng pagtuturo, (3) kahirapan sa pagtuturo at pagkatuto ng panitikan at balarila, at (4) kakulangan sa sapat na oras sa pagtamo ng mga kasanayan. Sa diskarte ng mga guro sa pagharap sa mga hamon sa pagtuturo ng panitikan at balarila batay sa Pinakamahalagang Pampagkatuto O MELCs lumitaw ang limang tema: (1) ginawang batayan ang MELCs sa pagtuturo, (2) integrasyon ng teknolohiya sa pagtuturo at pagkatuto, (3) paglalapat ng iba t ibang diskarte at teknik, (4) pagtaguyod ng gampanin bilang tagapagturo, at (5) pagtataya sa perpormans ng mag-aaral. At ang mga kabatirang nahinuha ng mga guro mula sa kanilang pagtuturo ng panitikan at balarila batay sa Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto O MELCs, apat na tema ang lumabas: (1) Makabuluhang hatid ng MELCs, (2) pakikiayon sa hamong dala ng MELCs, (3) pagpapalawig sa proseso ng pagtuturo-pagkatuto, at (4) patuloy na pagtaguyod at pagpapaunlad sa MELCs. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay bunga ng masigasig na pagtutulungan at pagtitiwala na mapabuti ang pagtuturo t pagkatuto. Tinitiyak ng mananaliksik na ang pag-aaral na ito ay lubos na kapakipakinabang sa mga guro, mag-aaral, larangan ng edukasyon at ng mga mananaliksik sa hinaharap.
Keywords: Most Essential Learning Competency (MELCs), Filipino, Balarila, panitikan, estratehiya, kwalitatibong pananaliksik, Davao del Norte.
Journal Name :
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)

VIEW PDF
Published on : 2024-04-08

Vol : 10
Issue : 4
Month : April
Year : 2024
Copyright © 2025 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft