LAWAK NG BOKABULARYO AT ANTAS NG PAG-UNAWA NG PILING PAMPUBLIKONG MAG-AARAL SA FILIPINO


Christian R. Sunio, Dr. Rodel B. Guzman
1.Don Mariano Marcos High School, 2. College of Education, Isabela State University-Echague, 3. Central Graduate School, Isabela State University-Echague
Abstract
Isinagawa ang descriptive-correlational na pag-aaral na ito upang suriin ang ugnayan sa pagitan ng lawak ng bokabularyo at antas ng pag-unawa ng piling pampublikong mag-aaral sa Filipino 9. Nakabatay ito sa paniniwalang ang kakayahan ng mga mag-aaral na bigyan ng angkop na kahulugan ang mga terminong binabasa ay mayroong malaking impluwensiya sa kakayahan nitong unawain ang kabuuang mensahe ng teksto. Natuklasan mula sa pag-aaral na karamihan sa mga mag-aaral ay nasa antas na pagkabigo o frustration sa kasanayan sa bokabularyo habang nasa lebel naman na instructional sa antas ng pag-unawa. Napatunayan sa pananaliksik na mayroong sapat na ebidensiyang estadistika upang masabing mayroong makabuluhan at direktang ugnayan ang kasanayan sa bokabularyo at antas ng pag-unawa ng mga mag-aaral. Nangangahulugan ito na ang pagkakaroon ng mga mag-aaral ng sapat na kakayahan upang bigyang kahulugan ang mga terminong ginagamit sa teksto ay nakatutulong upang higit na mapataan ang antas ng pag-unawa. Dahil dito, iminumungkahi ang pagsasagawa ng interbensiyon upang mapaunlad ang kasanayan sa bokabularyo ng mga mag-aaral.
Keywords: Kasanayan sa Bokabularyo, Komprehensiyon, Antas ng Pag-unawa, Frustration Level, Instructional Level
Journal Name :
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)

VIEW PDF
Published on : 2024-04-14

Vol : 10
Issue : 4
Month : April
Year : 2024
Copyright © 2024 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft