INKLUSIBONG EDUKASYON: KASANAYAN SA PAGSASALITA NG MGA MAG-AARAL NA MAY ESPESYAL NA PANGANGAILANGAN


Jofel Joy J. Abuda, Rene P. Sultan EdD DPA
,
Abstract
Ang kuwalitatibong pananaliksik na ito ay isinagawa upang magalugad ang karanasan, pagtatagumpay, at mga kuro-kurong nabuo ng 8 guro sa kanilang pagtuturo ng kasanayan sa pagsasalita sa mga mag-aaral na may espesyal na pangangailangan sa mga pampublikong paaralang sekondarya na saklaw ng Lupon West at Banaybanay District, Sangay ng Davao Oriental para sa Taong-Panuruan 2022-2023. Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng pinalalim na panayam, natuklasan ang mga tema: nahahamon sa pagdadala ng tungkulin sa pagtuturo; nagsasagawa ng panibagong pag-aaral; nahaharap sa mga pagsubok; nalilinang ang katatasan sa wika; mabungang pagsasaling-wika; pagsasagawa ng sariling pag-aaral; nagtatanong sa mga dalubhasa; nagsasagawa ng mga pananaliksik; pagpapalakas ng INSET sa pagtuturo ng inklusibong edukasyon; pagsasagawa ng pananaliksik sa inklusibong edukasyon; at paglalaan ng budget para sa kagamitang pampagtuturo. Hindi naging madali ang pagpapatupad ng inklusibong edukasyon dahil natukoy na mismo ng UNESCO ang mga hadlang sa inklusibong edukasyon. Ito ang mga sumusunod: negatibong saloobin sa pagkakaiba; pisikal na mga hadlang upang makapasok sa paaralan; mga kakayahan at saloobin ng guro; iba’t ibang wika at komunikasyon ng mga guro at mag-aaral; at mga kakulangan sa kagamitan.
Keywords: Inklusibong Edukasyon, Kasanayan sa Pagsasalita, Sangay ng Davao Oriental, Rehiyon XI
Journal Name :
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)

VIEW PDF
Published on : 2024-05-13

Vol : 10
Issue : 5
Month : May
Year : 2024
Copyright © 2024 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft