PAGTUTURO NG WIKA BATAY SA NILALAMAN AT PAGLINANG NG IKA-21 SIGLONG KASANAYAN
Mellisa B. Maralit, Rene P. Sultan
,
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay may layuning matukoy ang makabuluhang ugnayan ng pagtuturo ng wika batay sa nilalaman at paglinang ng ika-21 siglong kasanayan ng mga guro sa Lungsod ng Davao Oriental, Rehiyon XI para sa Taong Panuruan 2022-2023. Nagsagawa ng simple random sampling ang mananaliksik upang makakuha ng 52 na mga guro sa sekondarya. Gumamit ng Mean, Pearson Product-Moment Correlation, at Multiple Linear Regression sa pagsusuri ng datos. Nakapagtala ng mataas na antas sa pagtuturo ng wika batay sa nilalaman at paglinang ng ika-21 siglong kasanayan. Nagpakita rin na ang pagtuturo ng wika batay sa nilalaman ay may makabuluhang impluwensiya sa paglinang ng ika-21 siglong kasanayan ng mga guro. Batay sa resulta ng pag-aaral, iminungkahi ng mananaliksik ang rekomendasyon na ipagpatuloy at panatilihin ang pagpapahalaga sa pagtuturo ng wika batay sa nilalaman at paglinang ng ika-21 siglong kasanayan sapagkat pareho itong nakakuha ng katumbas na paglalarawan na mataas. Ang kinalabasan ng pag-aaral na ito ay gagamitin sa paggawa ng mga seminar-workshayp at programa na tutugon sa pangangailangan ng mga guro sa pagtuturo.
Keywords: Pagtuturo ng Wika, Nilalaman, Ika-21 Siglong Kasanayan, Davao Oriental, Rehiyon XI.
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)
VIEW PDF
Published on : 2024-05-18
Vol | : | 10 |
Issue | : | 5 |
Month | : | May |
Year | : | 2024 |