PAGSUSURI SA KAMALIAN SA SANAYSAY NG MGA MAG-AARAL SA ANTAS SEKUNDARYA


Shenivel E. Bante, Khaea P. Nodado, Shane N. Anudin, Aubrey Ann A. Jetoya, Diza M. Rolida
St. Mary’s College of Tagum, Inc, National Highway, Tagum City, 8100, Philippines
Abstract
Nilalayon ng kwalitatibong-diskurso na pag-aaral na ito na matukoy ang mga karaniwang kamalian ng mga mag-aaral sa antas Sekundarya sa pagsulat ng sanaysay gamit ang wikang Filipino. Nakabatay ang pananaliksik na ito sa iminungkahi ni Stephen Pit Corder (1973) na Target Modification Taxonomy na may apat na kategorya kabilang ang pagkakaltas, pagdaragdag, maling pagpili ng salita, at maling pagkakaayos ng mga salita. Isinagawa ang pag-aaral na ito sa isang pribadong paaralan sa lungsod ng Tagum, Davao del Norte, Philippines. Sinuri ang dalawampung (20) sanaysay na isinumite ng mga mag-aaral sa antas Sekundarya na pinili gamit ang purposive sampling. Lumabas sa resulta na nagtamo ang mga mag-aaral sa antas Sekundarya ng kamalian sa kategoryang pagkakaltas ng mga mahahalagang elementong pambalarila tulad ng gitling, titik para sa tamang pagbaybay ng salita at paggamit ng angkop na pang-ugnay sa pangungusap gayundin sa kategoryang pagdaragdag ng mga titik o letra pati na rin sa pagdaragdag ng gitling at kuwit. Nagtamo rin ang mga partisipante ng kamalian sa pagpili ng angkop na salita at maling pagkakaayos ng mga salita. Samakatuwid, ang mga kamaliang natukoy ay nagpapahiwatig na ang mga mag-aaral sa antas sekundarya ay may kakulangan sa kaalaman tungkol sa mga tuntuning pambalarila. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay makatutulong sa pang-akademikong sektor na masolusyonan ang nakatagong suliraning kinakaharap ng mga mag-aaral at mabigyan ng tamang gabay ang mga kabataang nagnanais na magtagumpay sa kanilang pagkatuto.
Keywords: kamalian sa sanaysay, antas sekundarya, kamalian sa Filipino, balarilang Filipino, diskurso, korpora, Corder, Lungsod ng Tagum, Davao del Norte, Pilipinas
Journal Name :
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)

VIEW PDF
Published on : 2024-07-15

Vol : 10
Issue : 7
Month : July
Year : 2024
Copyright © 2025 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft