AUDIO-GRAPIYA NA KAGAMITAN SA PAGKATUTO NG ORTOGRAPIYANG FILIPINO PAGSULAT NG REFLECTIVE JOURNAL SA LOHIKAL NA PAGGANAP NG MGA MAG-AARAL
Maribeth Quisteriano Panggat
Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Laguna 4009 Philippines
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay nakapokus sa paggamit ng audio-grapiya na kagamitan sa pagkatuto ng ortograpiyang Filipino at pagsulat ng reflective journal sa pagganap ng mga mag-aaral. Layunin ng pag-aaral na ito na malaman ang mga kaugnayan na baryabol sa pag-aaral sa araling Filipino. Sinikap ng mananaliksik mabigayan ng katugunan sa layuning nakapaloob sa pag-aaral. Ito ay ang mga sumusunod; Ang antas ng paggamit ng audio-grapiya na kagamitan sa pagkatuto, ang antas ng mga tagasagot sa pagsulat ng reflective journal, ang lebel ng lohikal ng pagganap ng mga mag-aaral sa paglalahad. Malaman ang makabuluhang kaugnayan ng paggamit ng audio-grapiya sa lohikal na paglalahad na pagganap ng mga mag-aaral at pagsulat ng reflektib journal.
Ang palarawang pananaliksik na disenyo ang ginamit mananaliksik sa pag-aaral na ito ay mga kaganapan sa pag-aaral ay kinapapalooban ng pagtatala, paglalarawan, pagpapakahulugan, pagsusuri at paghahambing. Layunin ng ganitong disenyo na sistematikong mailarawan ang sitwasyon at kundisyon nang makatotohanan at buong katiyakan. Ang nagsilbing tagatugon sa pananaliksik na ito ay mga mag-aaral nasa grade eleven (11) na may isang daan at dalawampu (120) tagatugon mula sa Laguna University Senior High School Panuruang taon 2023-2024. Sa pagsasagawa ng pananaliksik na ito, ang mananaliksik ay gumamit ng “Ramdom Sampling”
Sa ginawang pag-aaral lumabas sa resulta ang antas paggamit ng audio-grapiya ay may puna na lubos na sumasang-ayon at literal na paliwanag na lubhang mataas. Nagpapakita lamang ito ang audio-grapiya poetry ay nakatulong sa pagsulat ng reflective journal ng mga mag-aaral. Gayundin sa resulta ng ang antas ng kasanayan ng mga tagasagot sa pagsulat ng reflective journal ay may literal na paliwanag na lubhang mataas. Ang resulta naman sa pagganap ng mga mag-aaral sa wikang Filipino batay sa lohikal na paglalahad ay may mapaglarawang katumbas na Higit na Mahusay at may literal na paliwanag na Kasiya-siya. Makikita sa resulta na nakakuha ng mataas na marka sa pagsulat ang mag-aaral matapos maisagawa ang pag-aaral.
Ang ang panghuling resulta ay lumabas ang “May makabuluhang kaugnayan ng paggamit ng Audio-grapiya na kagamitan sa pagkatuto ng Ortograpiyang Filipino at Pagsulat ng Reflective Journal sa pagganap ng mga mag-aaral”, ipinapakita nito ang kaugnayan sa pagitan nila. Nagpapatunay lamang ito na nagkaroon ng epekto ang paggamit ng audio grapiya sa pagsulat ng mga mag-aaral.
Hango sa kinalabasan at konklusyon ng pag-aaral, iminumungkahi ng mananaliksik ang mga sumusunod ng rekomendasyon. Gamitin ang audio- grapiya bilang kagamitang panturo upang makatulong sa mga mag-aaral sa pagsulat ng reflektib jornal.
Keywords: audio-grapiya; kagamitan sa pagkatuto; ortograpiyang Filipino
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)
VIEW PDF
Published on : 2024-08-14
Vol | : | 10 |
Issue | : | 8 |
Month | : | August |
Year | : | 2024 |