GRAMATECHA BILANG KAGAMITANG PANTURO SA KASANAYANG PANGGRAMATIKA SA PAGGANAP NG MGA MAG-AARAL
Kristy Limchoco Abad
Laguna State Polytechnic University , Sta. Cruz Laguna 4009 Philippines
Abstract
Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay tukuyin ang antas ng kakayahang panggramatika sa Filipino ng mga mag-aaral; ilarawan ang pagkakaiba ng kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral sa mga bahagi ng panalita; at kilalanin ang pagkakaiba ng antas ng kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral.
Ang deskriptibong pag-aaral na ito ay gumamit ng isandaan at walumpu’t anim (186) na mag-aaral, mula sa Baitang 11 ng Camp Vicente Lim Integrated School. Purposib sampling ang ginamit sa pag-aaral na ito upang makuha at mataya ang kaukulang resulta ng pananaliksik. Ang talatanungan, materyal at mga pagsusulit ay ginamit upang masagot ang nasabing pananaliksik.
Lumabas sa resulta ng pag-aaral na ito na ang antas ng paggamit sa GramaTECHa gayundin sa antas ng panturo sa kasanayang panggramatika lahat ay katanggap-tanggap na ang sagot ng mga tagatugon sa kabuuan ng bawat bahagi ay may puna na lubos na sumasang-ayon at literal na paliwanag na “lubhang mataas.” Para naman sa antas sa pagganap ng mga mag-aaral batay sa metakognisyon ay may mapaglarawang katumbas na pinakamahusay at higit na mahusay at may literal na paliwanag na Napaka kasiya-siya. Ang antas sa pagganap ng mga mag-aaral batay sa kritikal na pag-iisip ay may mapaglarawang katumbas na pinakamahusay, higit na mahusay at mahusay at may literal na paliwanag na Napaka kasiya-siya.
Batay sa kinalabasan ng pag-aaral na ang konklusyon na ito ay nabuo: “walang makabuluhang ugnayan sa pagganap ng mga mag-aaral batay sa metakognisyon at kritikal na pag-iisip” ay makabuluhan; Ang haypotesis na nagsasabing “walang makabuluhang epekto ang paggamit ng GramaTECHa” at “walang makabuluhang epekto ang panturo sa kasanayang panggramatika” ay walang positibong epekto. Samakatuwid magsagawa ng mga pagsasanay at seminar para sa mga guro upang mapalawak ang kanilang kaalaman sa mga alternatibong gawain.
Matapos ang pag-aaral at pagsusuri ng mga natuklasan, iminumungkahi ng mananaliksik sa administrador ng paaralan at mga guro sa Filipino ay gamitin ang GramaTECHa gamit ang iba’t ibang paraan ng pagkatuto ng akademikong sulatin upang higit na matuto at mahikayat ang mga mag-aaral sa pagganap ng mga ito sa kanilang gawaing pang-akademiko; Ang mga guro ay maaari pang paunlarin ang GramaTECHa na makatutulong sa pagpapaunlad ng pagkatuto ng mga mag-aaral tungo sa isang makabuluhang pagganap; Ang mga mag-aaral ay marapat na bigyang-pansin ang kanilang kawilihan at paunlarin ang kanilang abilidad at pagpupursigi para sa pansariling pagkatuto sa paggamit ng GramaTECHa; Ang pagkatuto ng mga mag-aaral ay nakabatay sa kanilang kakayahang matuto kung kaya’t marapat na maging responsable ang mga ito sa kanilang pagpoproseso ng mga impormasyon upang mas maging ganap ang pagkatuto; Ang GramaTECHa ay maaring gamitin ng ibang guro sa Filipino ng Senior High partikular sa baitang 11 at gumamit ng iba pang aktibong paraan ng pag-aaral bilang dagdag na kagamitang panturo kung saan makatutulong sa pagganap ng mga mag-aaral; at para mas masigurado ang maayos na akademikong pagganap, ang iba pang mga mananaliksik ay hinihikayat na magsagawa pa ng mga kaugnay na pag-aaral ukol sa gramatika upang malaman ang iba pang salik na nakaaapekto sa pagkatuto sa gramatika.
Keywords: gramatika; kakayahang panggramatika; Kagamitang Panturo
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)
VIEW PDF
Published on : 2024-08-14
Vol | : | 10 |
Issue | : | 8 |
Month | : | August |
Year | : | 2024 |