PONAYAN BILANG INTERBENSYON SA KASANAYAN SA GAWAING PAGBASA AT PAGPAPALAWAK NG KAALAMAN SA KARUNUNGANG BAYAN
Mischelle P. Carreos
Laguna State Polytechnic University , Sta. Cruz Laguna 4009 Philippines
Abstract
Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay bumuo ng isang polyeto na naglalaman ng mga karunungang bayan, na siyang magiging interbensyon sa pagpapabasa kasabay ang pagkatuto ng mga karunungang bayan. Layunin din ng pag-aaral na ito na malaman kung may makabuluhang epekto ba ang PONAYAN bilang Interbensyon sa Gawaing Pagbasa at Kaalaman sa Karunungang bayan sa Pagganap ng mga Mag-aaral sa lahat ng antas ng Santa Cruz Integrated Natonal High School Brgy. Gatid Extension School.
Ang PONAYAN bilang materyal ay nabuo at ginamit ng mananaliksik sa dalawandaan at tatlumpu’t isang (231) mag-aaral sa lahat ng antas ng Santa Cruz Integrated Natonal High School Brgy. Gatid Extension School. Napiling tagatugon ay mula Baitang 7 Aster at Dafodil, 8 Amethyst at Bloodstone, 9 Orion at Nebula at Baitang 10 Anahaw at Almaciga. Purposive Sampling ang ginamit na teknik ng mananaliksik. Ang mananaliksik ay gumamit ng Deskriptibong Pamamaraan (Descriptive Method). Ang mga talatanungan, polyeto at materyal ay ginamit upang masagot ang nasabing pananaliksik.
Lumabas sa resulta ng pag-aaral na ito na ang ang Antas ng Paggamit ng PONAYAN bilang Interbensyon sa Kasanayan sa Gawaing Pagbasa ng mga Mag-aaral batay sa Panimula, Pagpapaunlad, Pagpapalihan at Paglalapat gayundin sa Antas ng Pagpapalawak sa Kaalaman sa Karunungang bayan batay sa Pagpapahalaga, Imahinasyon, Kasanayan, at Kultura lahat ay katanggap-tanggap sa kabuuan ito ay may puna na lubos na sumasang-ayon at literal na paliwanag na “lubhang mataas.
Ang resulta ng pagganap ng mga mag-aaral batay sa Mapanuring Pag-iisip at Pag-aanalisa ay may mapaglarawang katumbas na Higit na Mahusay at may literal na paliwanag na Kasiya-siya.
Sa kabuuan, ang haypotesis na “Walang makabuluhang epekto ang PONAYAN bilang Interbensyon sa Kasanayan sa Gawaing Pagbasa sa Pagganap ng mga Mag-aaral” ay tanggap base sa resulta ng bawat suliraning inilahad.
Sa haypotesis naman na “Walang Makabuluhang Epekto ang Pagpapalawak ng Kaalaman sa Karunungang Bayan sa pagganap ng mga mag-aaral” ay tanggap at ipinapakita nito na “walang makabuluhang” epekto sa pagitan nila.
Batay sa resulta ng pananaliksik na ito, iminumungkahi sa mga guro na payabungin, ayusin ang nabuong polyeto, dagdagan pa ang mga halimbawa, bigyan ng karagdagang pagsusuri at rebisyon.Hinihikayat ng mananaliksik ang mga mag-aaral na bigyang interes ang pagbabasa at umanap ng mga interbensyonal na kagamitang pagbasa upang matugunan ang suliranin sa pagbasa. Para sa mga namumuno sa paaralan, nawa’y patuloy na suportahan mga guro na bumubuo ng isang kagamitang interbensyon upang maging maayos at umunlad pa ang mga materyal sa pagbasa at dagdagan ang mga impormasyon nang maging epektibo ang materyal.Para sa mga mambabasa, magkaroon ng higit na kasanayan sa pagbasa, gumamit ng materyal na makapagpapataas ng perpormans. Sa mga susunod na mananaliksik maaring maging sanligan ang pag-aaral na ito, maaring ayusin ang mga nakapaloob sa polyeto, palawakin pa ang mga baryabol na ginamit, at pumili ng karapat-dapat na maging tagatugon sa pananaliksik.
Keywords: PONAYAN; Kasanayan; Gawaing Pagbasa
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)
VIEW PDF
Published on : 2024-08-14
Vol | : | 10 |
Issue | : | 8 |
Month | : | August |
Year | : | 2024 |