PAGGAMIT NG B-KARD SA KAWILIHAN SA PAGKATUTO, PAG-UNAWA SA BAYBAYIN AT PAGBABAYBAY AT PAGSASALINNG MGA MAG-AARAL


Marimar Musni Zaide
Laguna State Polytechnic University , Sta. Cruz Laguna 4009 Philippines
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay may titulong B-kard: Interaktibong Laro sa Kawilihan sa Pagkatuto Pag-unawa sa Baybayin sa Pagganap ng mga Mag-aaral. Nilalayon ng pag-aaral na ito na sagutin ang sumusunod na mga suliranin. Antas ng Paggamit ng B-kard sa kawilihan sa pagkatuto ng mga mag-aaral batay sa Kagamitan sa paglalaro; Antas ng Paggamit ng B-kard sa kawilihan sa pagkatuto ng mga mag-aaral batay sa Mekaniks; Antas ng Paggamit ng B-kard sa kawilihan sa pagkatuto ng mga mag-aaral batay sa Pag-uugali sa pagkatuto; Antas ng Paggamit ng B-kard sa kawilihan sa pagkatuto ng mga mag-aaral batay sa Pamamahala sa pagkatuto; Antas ng Paggamit ng B-kard sa kawilihan sa pagkatuto ng mga mag-aaral batay sa Pakikilahok; Antas ng Pag-unawa sa Baybayin ng mga mag-aaral batay sa Pagbuo ng Salita; Antas ng Pag-unawa sa Baybayin ng mga mag-aaral batay sa Pagsulat ng baybayin; Antas ng Pag-unawa sa Baybayin ng mga mag-aaral batay sa Pagbasa. May makabuluhang epekto ng Paggamit ng B-kard sa kawilihan sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa pagganap ng mga mag-aaral at May makabuluhang epekto ng Pag-unawa sa Baybayin sa pagganap ng mga mag-aaral. Ang deskriptibong pag-aaral na ito ay gumamit ng isandaan at limampu (150) na mag-aaral mula sa ika-2 ng kolehiyo ng pang-edukasyon ng Laguna University. Purposive Sampling ang ginamit sa pag-aaral na ito upang makuha ang sapat na sampol ng populasyon. Lumabas sa pag-aaral ang antas ng paggamit ng b-kard sa kawilihan sa pagkatuto ng mga mag-aaral batay sa kagamitan sa paglalaro lumabas na nakakatulong at literal na paliwanag na lubhang mataas. Sa resulta ng antas ng paggamit ng b-kard sa kawilihan sa pagkatuto ng mga mag-aaral batay sa mekaniks lumabas na lubos na nakatutulong at literal na paliwanag na lubhang mataas. Gayundin sa resulta ng antas ng paggamit ng b-kard sa kawilihan sa pagkatuto ng mga mag-aaral batay sa pag-uugali sa pagkatuto ay lumabas na lubos na nakatutulong at literal na paliwanag na lubhang mataas. Lumabas naman sa resulta ang pangkalahatang pagtatasa sa pagkatuto ng B-kard sa Kawilihan sa mga mag-aaral batay sa pagbasa at pagsulat ay may mapaglarawang katumbas na Mahusay at may literal na paliwanag na Napakakasiya-siya. Nagpapakita lamang ito na mataas ang nakuhang marka ng mga mag-aaral nang ginamit ang b-kard at ang huli batay sa datos na nakalap. May makabuluhang epekto ang b-kard bilang kagamitan sa pagpapaunlad at pagkatuto ng Filipino sa pagganap ng mga mag-aaral lumabas na may makabuluhang epekto sa pagitan nila. Batay sa kinalabasan ng pag-aaral na ang kongklusyon na ito ay nabuo; Ang haypotesis na ang kabanata 1 na “Walang makabuluhang epekto ang Interaktibong Laro sa Kawilihan bilang sa Pagkatuto at Pag-unawa sa Baybayin sa Pagganap ng mga mag-aaral.” Ay huwag tanggapin, ipinapakita nito na may “makabuluhang” epekto sa pagitan nila. Ayon sa resulta na ang Interaktibong Laro ay nakatutulong sa Pagpapaunlad at Pagkatuto ng Filipino. Gayundi ang haypotesis na “Walang Makabuluhang Kauagnayan ang Antas ng Pangkalahatang Pagsusulit sa Pagganap ng mga Mag-aaral” ay huwag tanggapin, ipinapakita nito na “may makabuluhang” kaugnayan ang antas ng pangkalahatang pagsusulit sa pagganap ng mga mag-aaral. Ayon sa resulta nakatutulong ang pangkalahatang pagsusulit sa pagkatuto at pagpapaunlad ng kaalaman ng mga mag-aaral. Hango sa kinalabasan at konklusyon ng pag-aaral, iminumungkahi ng mananaliksik ang rekomendasyon para sa mga susunod na mananaliksik ay hinihimok na susugan ang isinasagawang pag-aaral upang mas mapaunlad ang antas ng pagganap ng mga mag-aaral sa kanilang kakayahang komunikatibo. Ang ginawang kagamitan sa pagtuturo ay maaring maging gabay at gawing interaktibo sa pagtuturo at pagkatuto ng Filipino ng mga mag-aaral.
Keywords: B-kard; Interaktibong Laro; Kawilihan sa Pagkatuto
Journal Name :
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)

VIEW PDF
Published on : 2024-08-14

Vol : 10
Issue : 8
Month : August
Year : 2024
Copyright © 2024 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft