KABISIG: SANAYANG AKLAT SA PAGTUKLAS NG ILANG AKDANG BISAYA AT KAALAMAN SA PAGKATHA NG TANAGA


Lara Mae An Garcia
Laguna State Polytechnic University , Sta. Cruz Laguna 4009 Philippines
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa KABISIG: Sanayang aklat sa Pagtuklas ng Ilang Akdang Bisaya at ng ikalabing isang baitang ng Liceo de Pila, Pila, Laguna sa Taong Aralan 2023-2024. Ang nagsilbing tagatugon sa pananaliksik na ito ay ang isandaa’t limampu’t apat (154) mag-aaral na naging tagasagot sa pagtanggap ng binuong materyal bilang pantulong sa pagkatuto sa mga paksa sa Filipino. Ang sumusunod ay ang mga suliraning nais bigyan ng pansin: Ano ang antas ng kaalaman KABISIG: Sanayang Aklat sa Pagtuklas ng Ilang Akdang Bisaya batay sa Pagsasalin, Kasapatan, Kaangkupan at Disenyo? Ano ang lebel ng kaalaman sa pagkatha ng tanaga batay sa Kawastuhan, Kaisahan, Tema at Estilo? Ano ang Antas ng kabisaan sa kagamitang instruksyunal sa asignaturang filipino batay sa Rasyunal na pagsulat? May makabuluhang epekto ba ang KABISIG: Sanayang Aklat sa Pagtuklas ng Ilang Akdang Bisaya? May makabuluhang epekto ba ang KABISIG sa kaalaman sa pagkatha ng tanaga? Ang sumusunod ay ang lumabas na resulta ng pag-aaral. Ayon sa nakalap na datos sa tulong ng istatistika, nagkaroon ng maayos na pagkakabuo ang KABISIG bilang suplementaryong kagamitan sa pagkatuto at pag-unawa ng ilang akdang Bisaya. Ipinakikita rito ang positibong pagtanggap ng mga guro at mag-aaral pagdating sa iba’t-ibang aspeto ng sanayang-aklat. Nakatala sa lumabas na resulta, karamihan sa mga mag-aaral na nagsagawa ng pagkatha ng tanaga ay may sapat na kaalaman ngunit hindi ganoon kahusay sa usaping pagsulat sapagkat batay sa ebalwasyon ng guro, sila ay naglalaro sa katamtamang husay lamang na bahagyang taliwas sa kanilang tugon sa talatanungan. Sa kabuoang isang daan at limamput-dalawang tagatugon, ang marka na “26 - 30” ay nakakuha ng pinakamataas na bilang na isang daan at dalawamput-apat (124). Habang ang marka na “21 - 25” ay nakakuha ng pinakamababang bilang na tatlumpu (30) o 19.49% ng kabuoang tumugon at may mapaglarawang katumbas na Higit na Mahusay. Ipinapakita na ang antas ng kabisaan sa kagamitang instruksyunal sa asignaturang filipino ay may mapaglarawang katumbas na “Pinakamahusay” at may literal na paliwanag na Napakakasiya-siya. Makabuluhang epekto ng KABISIG sa kaalaman sa pagkatha ng tanaga. Base sa datos na nakalap, ipinapakita nito na walang makabuluhang epekto ng KABISIG sa Rasyunal na pagsulat at 0.05 antas ng kabuluhan. At ipinapakita nito na walang epekto sa pagitan nila. pinatutunayan naman dito na maaari itong linangin. Mula sa Konklusyon, nagbigay ang mananaliksik ng rekomendasyon na gamitin ang materyal bilang kagamitan sa pagtuturo ng mga aralin sa Filipino sa ikalawang markahan na kung saan ito ay nakatuon sa akdang Bisaya.
Keywords: KABISIG; Sanayang aklat; Akdang Bisaya
Journal Name :
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)

VIEW PDF
Published on : 2024-08-14

Vol : 10
Issue : 8
Month : August
Year : 2024
Copyright © 2024 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft