PAGSUSURI, PAGHUBOG AT MOTIBASYON SA KAHUSAYAN SA PANONOOD NG PELIKULANG PANLIPUNAN


Roseann G. Sangalang
Laguna State Polytechnic University , Sta. Cruz Laguna 4009, Philippines
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay may kinalaman sa pagsusuri, paghubog at motibasyon sa kahusayan sa panonood ng pelikulang panlipunan. Ang mga datos ay nalikom dalawang daan at apatnapu’t apat (244) na tagatugon upang masagot ang suliranin na nagsasaad na: (1) Ano ang kaugnayan ng pagsusuri batay sa: (a) tauhan; (b) teorya/dulog; at (c) nilalaman (2) Ano ang kaugnayan ng paghubog sa kahusayan sa panonood ayon sa : (a) pananaw;(b) damdamin at, (c) saloobin? (3) Ano ang kaugnayan ng motibasyon sa panonood batay sa: (a) interes at (b) kapaligiran.(4) Ano ang antas ng kahusayan sa panonood ng pelikulang panlipunan ng mga mag-aaral batay sa : (a) kognitibong pag-aanalisa. (5) May makabuluhang epekto ba ang pagsusuri, paghubog at motibasyon sa kahusayan sa panonood ng pelikulang panlipunan ? (6) 6. May makabuluhang epekto ba ang pagsusuri, paghubog at motibasyon sa kognitibong pag-aanalisa ng pelikula? Sa pag-aaral na ito ang mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong pamamraan upang makakalap ng mga tiyak na kasagutan at mahahalagang impormasyon. Ginamit ang weighted mean, sa pagtanggap o pagtanggi ng negatibong hinuha ng pananaliksik. Inilahad ang kinalabasan ng pag-aaral na ito na Base sa datos na nakalap, ipinapakita nito na walang makabuluhang epekto ng pagsusuri, paghubog at motibasyon sa kahusayan at 0.05 antas ng kabuluhan. At ipinapakita din nito na ang walang bisang palagay na “Walang makabuluhang epekto ng pagsusuri, paghubog at motibasyon sa kahusayan sa panonood ng pelikulang panlipunan” ay tanggapin, ipinapakita nito na epekto sa pagitan nila. Mula sa pag-aananalisa ng mga datos na nakalap, Batay sa mga kasagutan at konklusyon, ang mga sumusunod ang ibinigay na rekomendasyon:Batay sa mga resulta ng pananaliksik na ito, iminumungkahi ng mananaliksik sa mga kaguruan na mahikayat ang mga mag-aaral sa malalim na pagsusuri ng pelikulang panlipunan nang sa gayon ay mamulat ang mga mag-aaral sa mga aral na makukuha sa pinanood. Hinahangad ng mananaliksik na gabayan ng mga magulang ang kanilang mga anak sa pag-aaral. Suportahan sa mga gawain gaya ng mga gawain sa asignaturang sinesosyedad, sapagkat marami ang matutunan sa mga pelikulang sinusuri. Sa mga susunod na mananaliksik, ang pananaliksik na ito ay maaaring gawing gabay sa pagsasagawa ng pananaliksik. Nawa’y patuloy na isakatuparan ang paggawa ng ganitong uri ng pananaliksik. Malawak ang pelikula at iba-iba ang genre, panatilihin ang pagtuklas at pagyamin ang pelikula at pagsuporta sa asignaturang sinesosyedad.
Keywords: pelikulang panlipunan; sinesosyedad; kahusayan sa panonood
Journal Name :
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)

VIEW PDF
Published on : 2024-08-14

Vol : 10
Issue : 8
Month : August
Year : 2024
Copyright © 2024 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft