KALISAFI (KAGAMITANG LIKHA SA FILIPINO): BILANG BATAYAN SA PAGPAPAUNLAD NG MASINING NA PAGPAPAHAYAG AT PAGPAPALAWAK NG BOKABULARYO SA PERFORMANS NG MGA MAG-AARAL
Ace Oliveros Flores
Laguna State Polytechnic University , Sta. Cruz Laguna 4009 Philippines
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang kamalayan sa paggamit ng KALISAFI (Kagamitang Likha sa Filipino) bilang batayan sa pagpapaunlad ng masining na pagpapahayag at pagpapalawak ng bokabularyo ng mga mag-aaral. Layon din ng pag-aaral na ito na matukoy ang resulta ng pagganap ng mga mag-aaral sa pagsulat ng tula at malaman kung may makabuluhang epekto ang paggamit ng KALISAFI (Kagimitang Likha sa Filipino): bilang Batayan sa Pagpapaunlad ng Masining na Pagpapahayag at Pagpapalawak ng Bokabularyo sa Performans ng mga Mag-aaral.
Ang mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong pamamaraan. Ang KALISAFI (Kagamitang Likhasa Filipino) ay nabuo at ginamit ng maananaliksik sa pitumpo’t apat (74) na mag-aaral Bunggo National High School. Ang napiling tagatugon ay mula sa ika-11 baitang strand ng HUMMS pangkat Charity at Symphaty. Gumamit ang mananaliksik ng Purposive Sampling Technique. Ang talatanungan at worksheet ay ginamit upang masagot ang nasabing pag-aaral.
Lumbas sa resulta ng pag-aaral batay sa pagpapaunlad ng masining na pagpapahayag at pagpapalawak ng bokabularyo ang paggamit ng KALISAFI (Kagamitang Likha sa Filipino), ay katanggap-tanggap. Sa kabuuan ito ay may puna na lubos na sumasang-ayon at literal na paliwanag na kasiya-siya. Walang makabuluhang epekto ang paggamit ng KALISAFI (Kagamitang Likha sa Filipino): Bilang Batayan sa Pagpapaunlad ng Masining na Pagpapahayag at Pagpapalwak ng Bokabularyo sa Performans ng mga Mag-aaral batay sa pagsulat tula.
Hindi nagbigay ng makabuluhang epekto sa kamalayan ng mga mag-aaral ang paggamit ng worksheet (KALISAFI). Nangangahulugan lamang ito na kulang pa ang kaalaman nila sa pagsulat ng tula. Nangangahulagan din ito na hindi ganun kalawak ang kanilang talasalitaan upang makabuo ng isang masining na pahayag na magagamit nila sa pagsulat ng isang tula.
Iminumungkahi ng mananaliksik na umisip ng iba pang parametro o baryabol na gagamitin sa pag-aaral upang sukatin ang kamalayan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng tula. Gamitin din ang mga datos na nakalap sa pag-aaral naito upang mapaunlad ang kagamitan na makatutulong na mapaunlad ang masining na pagpapahayag at pagpapalawak ng bokabularyo ng mga mag-aaral.
Keywords: KALISAFI; bokabularyo; Performans
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)
VIEW PDF
Published on : 2024-08-14
Vol | : | 10 |
Issue | : | 8 |
Month | : | August |
Year | : | 2024 |