SANAYSAY AT MALIKHAING PAGSULAT NG MGA MAG-AARAL TUNGO SA PAGBUO NG MANWAL


Aira Mae A. Yasoña
Laguna State Polytechnic University , Sta. Cruz Laguna 4009 Philippines
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa Sanaysay at Malikhaing Pagsulat ng mga Mag-aaral Tungo sa Pagbuo ng Manwal. Ang layunin ay matukoy ang antas ng gabay sa pagsulat; katangian sa pagsulat; pagganap ng mga mag-aaral batay sa malikhaing pagsulat ng sanaysay; alamin kung may makabuluhang ugnayan ang gabay at katangian sa pagsulat ng sanaysay sa pagganap ng mga mag-aaral; at gayundin kung may makabuluhang ugnayan ang pamantayan sa pagganap ng mga mag-aaral sa pagsulat ng sanaysay. Binuo ng pitong (7) pangkat ang mga tagatugon sa pananaliksik na nagmula sa iba’t ibang strand ng Senior High School sa Laguna State Polytechnic University Sta. Cruz Main Campus na hinirang sa pamamagitan ng purposive sampling. Ginamit sa pananaliksik na ito ang deskriptibong pamamaraan. Gumamit ang mananaliksik ng talatanungan at sumulat ang mga mag-aaral ng isang malikhaing pagsulat upang makalap ang datos. Ukol sa mga natuklasan, ang antas ng gabay at katangian sa pagsulat ng sanaysay ng mga mag-aaral ay masasabing lubhang mataas sapagkat ito ay lubos na sinang-ayunan. Lumabas na ang antas ng pagganap ng mga mag-aaral batay sa malikhaing pagsulat ay kasiya-siya. Batay sa mga resulta, naipakitang “may makabuluhang” kaugnayan sa pagitan ng gabay at katangian sa pagsulat ng sanaysay sa pagganap ng mga mag-aaral gayundin sa huli, lumantad sa resulta na “may makabuluhang” ugnayan sa pagitan ng pamantayan sa pagsulat ng sanaysay at pagganap ng mga mag-aaral. Batay sa mga datos na lumabas, napatunayang may makabuluhang ugnayan sa pagitan ng gabay at katangian sa pagsulat ng sanaysay gayundin ang pamantayan sa pagganap ng mga mag-aaral kung kaya’t ang mga haypotesis ay huwag tanggapin sapagkat ang mga ito ay napawalang bisa. Ipinakita ng mga kinalabasan na ang gabay at katangian sa pagsulat ng sanaysay gayundin ang pamantayan sa pagsulat ay lubos na nakatutulong sa malikhaing pagsulat ng sanaysay. Hango sa kinalabasan at konklusyon ng pag-aaral, iminumungkahi ng mananaliksik ang rekomendasyon para sa mga susunod na mananaliksik ay maaaring susugan ang isinagawang pag-aaral upang makapaglunsad ng iba’t ibang teknik o dulog na lalong mapauunlad ang kakayanan sa pagganap ng mga mag-aaral sa malikhaing pagsulat
Keywords: Sanaysay; Malikhaing Pagsulat; Pagbuo ng Manwal
Journal Name :
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)

VIEW PDF
Published on : 2024-08-14

Vol : 10
Issue : 8
Month : August
Year : 2024
Copyright © 2024 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft