PANITIKLOSAN: BILANG KASANGKAPAN NG LOKAL AT KONTEKSTWALISADONG PAGKATUTO NG AKADEMIKONG SULATIN SA PAGGANAP NG MGA MAG-AARAL


Ruffa Mae Obis Navarro
Laguna State Polytechnic University , Sta. Cruz Laguna 4009 Philippines
Abstract
Nilayon ng pananaliksik na ito na malaman ang epekto ng PanitikLoSan bilang kasangkapan sa pagkatuto ng lokal at kontekstwalisado sa akademikong sulatin sa pagganap ng mga mag-aaral. Naisakatuparan ito sa pagtugon sa mga sumusunod na katanungan: 1. Ano ang kakayahan ng PanitikLoSan bilang Kasangkapan batay sa Layunin, Nilalaman, Gawain, Pagtataya, Katangian ng Materyal sa Disenyo at Teknikal na Pormat; 2. Ano ang kakayahan ng akademikong sulatin ng mga mag-aaral batay sa Tema, Kaisahan at Mekaniks; 3. Ano ang antas ng pagganap ng mga mag-aaral batay sa lohikal na pagsulat; 4. May makabuluhang epekto ba ang PanitikLoSan: Bilang Kasangkapan ng Lokal at Kontekstwalisadong Pagkatuto sa pagganap ng mga mag-aaral; at 5. May makabuluhang epekto ba ang antas ng akademikong sulatin sa pagganap ng mga mag-aaral? Ginamit sa pag-aaral ang palarawang pananaliksik at Purposive Sampling Technique upang makuha at mataya ang kaukulang resulta ng pananaliksik. Ang nagsilbing tagatugon ay ang isandaan at tatlumpu’t tatlo (133) na mag-aaral sa San Pedro Relocation Center National High School sa pagtanggap ng binuong materyal bilang pantulong sa pagkatuto sa mga paksa. Ang mananaliksik ay gumamit ng talatanungan bilang materyal at nagbigay ng pagtataya batay sa lohikal na pagsulat upang matugunan ang nasabing pananaliksik. Batay sa mga naanalisang datos, ang antas ng paggamit ng PanitikLoSan bilang kasangkapan sa pagkatuto ng lokal at kontekstwalisado sa Filipino batay sa layunin, nilalaman, gawain, pagtataya, at katangian ng materyal alinsunod sa disenyo at teknikal na pormat ay may kaakibat na interpretasyong Lubhang Mataas, gayundin ang antas ng pagsulat ng akademikong sulatin ng mga mag-aaral. Samantala ang resulta ng pagganap ng mga mag-aaral batay sa lohikal na pagsulat may mapaglarawang katumbas na Pinakamahusay at may literal na paliwanag na Napakakasiya-siya. Sa kabila nito ay “Walang makabuluhang epekto sa PanitikLoSan: Bilang Kasangkapan sa Pagkatuto ng Lokal at Kontekstwalisado sa pagganap ng mga mag-aaral” at “Walang makabuluhang epekto sa akademikong sulatin sa pagganap ng mga mag-aaral”. Samakatuwid, sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga datos at resulta ng pananaliksik, napagtanto na ang PanitikLoSan ay maaaring hindi ang pinakamabisang kasangkapan sa pagtuturo ng akademikong sulatin. Sa mga natuklasan at konklusyong nabuo, ang mga rekomendasyon na ay naglalayon ng mga sumusunod: ang mga guro at dalubguro sa Filipino ay maaaring gumamit ng iba't ibang kasangkapan at materyales sa pagtuturo ng akademikong sulatin na hindi umaasa sa PanitikLoSan at magpatuloy sa paghihikayat sa mga mag-aaral sa pagpapabuti sa kanilang mga kasanayan sa pagsulat ng akademiko; ang punong-guro ng paaralan ay ipagpatuloy ang suporta sa mga guro at dalubguro na mag-organisa ng mga pagsasanay, seminar, worksyap o SLAC na magpapaunlad sa pagtuturo ng akademikong sulatin; at ang mga mananaliksik sa hinaharap ay maaaring ituloy ang pagsasagawa ng mas malalim na pananaliksik upang suriin ang iba't ibang aspeto sa pagkatuto ng akademikong sulatin.
Keywords: Kontekstwalisadong Pagkatuto; Akademikong Sulatin;Pagganap
Journal Name :
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)

VIEW PDF
Published on : 2024-08-14

Vol : 10
Issue : 8
Month : August
Year : 2024
Copyright © 2024 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft