KATANGIANG PANLINGGUWISTIKO NG MGA SANAYSAY SA FILIPINO 8
Jacrei G. Asi, Helen Tolete
Secondary School Teacher II, Ibabang Talim Integrated High School, Lucena City, Philippines
Abstract
ASI, JACREI GARCIA. “KATANGIANG PANLINGGUWISTIKO NG MGA SANAYSAY SA FILIPINO 8”. Di-Limbag na Masteradong Tesis. Kolehiyo ng Sacred Heart ng Lungsod ng Lucena, Inc., Disyembre 2023. (Helen E. Tolete, PhD, Tagapayo).
Naglalayon ang pananaliksik na masuri ang mga katangiang panlingguwistikong makikita sa mga sanaysay sa Filipino 8. Isa sa mga paksang pinag-aaralan sa Filipino 8 ang pagsulat ng sanaysay gamit ang iba’t ibang katangiang panlingguwistiko. Ang mga isinulat na sanaysay ng mga mag-aaral sa Filipino 8 ang naging korpus ng pag-aaral. Pumili ang mananaliksik 30 sanaysay batay sa instrumentong ginamit sa pag-aaral. Sinuri ng mananaliksik ang mga nakalap na sanaysay sa pamamagitan ng kuwalitatibong dulog at deskriptibo-analitikong disensyo ng pananaliksik. Matapos ang naging pagsusuri sumangguni ang mananaliksik sa mga dalubhasa sa larangan ng lingguwistika at pagsulat sa Filipino upang maipabalido ang isinagawang pagsusuri.
Nabatid sa kinalabasan ng pagsusuri na naglalaman ng iba’t ibang ibang kayarian ng salita ang mga sanaysay. Nabatid na gumamit ng iba’t ibang bahagi ng pananalita ang mga mag-aaral sa kaniilang mga sanaysay kagaya ng pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri, pang-abay, pangatnig, pang-ukol, pang-angkop at pantukoy. Natukoy ang mga naging gampanin ng iba’t ibang uri ng parirala at sugnay sa pagbuo ng pangungusap Batay pa rin sa kinalabsan ng pagsusuri may iba’t ibang uri ng mga pangungusap ayon sa kayarian ang nakita sa mga sanaysay, tulad ng payak na pangungusap na pinakakaraniwang anyo ng pangungusap na ginamit sa mga sanaysay at may ilang tambalang pangungusap at hugnayang pangungusap. Natukoy ang iba’t ibang uri ng pangungusap ayon sa gamit at ang pangungusap na paturol ang pinakamadami sa mga ito. Batay sa kinalabasan ng isinagawang pagsusuri, nabuo ang awtput ng pag-aaral na isang gabay sa pagsulat ng sanaysay sa Filipino. Base sa mga resultang inilahad nabuo ng mananaliksik ang mga sumusunod na konklusyon, naglalaman at binubuo ng iba’t ibang katangiang panlingguwistiko sa larangan ng morpolohiya at sitaksis ang mga sanaysay sa Filipino 8. May iba’t ibang komunikatibong gamit ang mga katangiang panlingguwistiko ginamit at nakita sa mga sanaysay ng mga mag-aaral at maaaring makabuo ng isang materyal tulad ng gabay sa pagsulat ng sanaysay sa Filipino batay sa pagsusuri ng katangiang panlingguwistiko ng mga akdang pampanitikan.
Keywords: gabay sa pagsulat ng sanaysay, katangiang panlingguwistiko, sanaysay
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)
VIEW PDF
Published on : 2024-08-19
Vol | : | 10 |
Issue | : | 8 |
Month | : | August |
Year | : | 2024 |