WORD NETWORK ASSOCIATION ACTIVITIES: PAGPAPALAWAK NG BOKABULARYO SA FILIPINO NG MGA MAG-AARAL SA IKASIYAM NA BAITANG
Christine Amor Balisalisa, Missey Kiana A. Dayaganon, Christen Eve A. Descaya, Zheena Mae T. Martir, Sheena Opada, Albert P. Siladan, Karla O. Reyes
Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology, Maniki, Kapalong, Davao del Norte, Philippines
Abstract
Layunin ng pag-aaral na ito na malaman ang pagiging epektibo ng interbensyong word network association activities sa pagpapalawak ng kaalaman ng mga mag-aaral sa bokabularyong Filipino. Dagdag pa, ginamit sa pag-aaral na ito ang pre-eksperimental na disenyo upang masuri ang makabuluhang epekto ng interbensyon sa kaalaman ng mga mag-aaral sa bokabularyong Filipino. Batay sa resulta, lumalabas na ang kabuoang mean sa isinagawang post-test na 126.82 ay higit na mataas sa kabuoang mean ng isinagawang pre-test na 84.39. Nangangahulugan lamang ito na ang interbensyong word network association activities ay may kabuluhang pagbabagong naidulot sa kaalaman ng mga mag-aaral sa bokabularyong Filipino, sapagkat, lumalabas na ang t-value na may -32.899 at p-value na may < .001 ay mas mababa sa 0.05 na antas ng katiyakan at nangangahulugang ang pag-unlad sa bukabularyo sa Filipino ng mga mag-aaral ay hindi lamang nagkataon, bagkus ay bunga ng interbensyon. Bunsod rito, iminumungkahi ang paggamit ng word network association activities bilang batayan sa pagpapalawak ng bukabularyo sa Filipino ng mga mag-aaral at pagpapalawak ng mga aktibidad nito. Dagdag pa, higit na pagtuunang pansin ang pagpapakilala sa mga malalalim na salita at gamitin ang iba’t ibang panitikan bilang batayan sa nilalaman ng mga aktibidad.
Keywords: bokabularyong Filipino, pre-eksperimental, word network association activities
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)
VIEW PDF
Published on : 2024-09-07
Vol | : | 10 |
Issue | : | 9 |
Month | : | September |
Year | : | 2024 |