I-EKSPRES APP BILANG KAGAMITANG PANTURO AT KASANAYAN SA PAGGAMIT NG BANTAS SA PAGGANAP NG MGA MAG-AARAL
Danystelle Hugo Ricafort
Faculty, Laguna State Polytechnic University
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagbuo ng kagamitang panturo sa Filipino upang mapaunlad ang kasanayan at pagganap ng mga mag-aaral sa paggamit ng mga bantas sa wikang Filipino. Layunin ng pag-aaral na ito na malaman ang antas ng i-ekpres app bilang kagamitang panturo at ang antas ng kasanayan sa paggamit ng bantas. Ninais ding malaman ang antas ng pagganap ng mga mag-aaral.
Deskriptibong paraan ang ginamit ng mananaliksik sa pag-aaral na ito. Ang i-ekpres app ay binuo at ipinagamit ng mananaliksik sa mga napiling tagatugon mula sa mga mag-aaral ng ika-8 baitang ng Paaralang Sekundarya ng Lucban Integrated School na binuo ng isandaan at pitumpu’t limang (175) mga mag-aaral. Ang mananaliksik ay gumamit ng “Purposive Sampling Technique” sa pagtukoy sa magiging tagatugon. Ang mga talatanungan at pagsusulit ay ginamit at pinasagutan sa mga tagatugon upang makuha ang mga datos na kinailangan sap ag-aaral na ito
Lumabas sa pag-aaral ang resulta ng pananaliksik na ito na ang antas ng i-ekspres app bilang kagamitang panturo sa kasanayan sa paggamit ng mga bantas ay may puna na lubos na sumasang-ayon at literal na paliwanag na lubhang mataas. Ang antas ng kasanayan sa paggamit ng mga banats ay may puna na napakahusay at may literal na paliwanag na napakakasiya-siya. Ipinakita rin sa resulta na may makabuluhang pagkakaiba ang antas ng pagganap batay sa kolaboratibong pagsulat at komprehensibong paglalahad. Samantala, walang makabuluhang epekto ang i-ekspres app bilang kagamitang panturo sa pagganap ng mga mag-aaral. Gayundin, lumabas din sa pag-aaral na walang makabuluhang epekto ang kasanayan sa paggamit ng mga bantas sa pagganap ng mga mag-aaral.
Lumabas sa resulta na may makabuluhang pagkakaiba ang antas ng pagganap ng mga mag-aaral. Samantala, hindi nagbigay ng makabuluhang epekto sa pagitan ng antas ng i-ekspres app bilang kagamitang panturo at ng antas ng pagganap ng mga mag-aaral, gayundin sa pagitan ng antas ng kasanayan sa paggamit ng bantas at ng antas ng pagganap ng mga mag-aaral. Batay sa resulta ay makikitang hindi naging ganap ang kabisaan ng ginamit na kagamitang panturo. Subalit, maaari pa rin itong gamitin bilang kagamitang panturo sa Filipino.
Matapos ang pag-aaral at pagsusuri sa mga natuklasan, iminumungkahi ng mananaliksik sa mga mag-aaral na gamitin ang i-ekspres app sa paglinang ng kasanayan sa paggamit ng mga bantas. Hinihikayat ang mga guro na gamitin ang kagamitang pabturong ito at ipagamit ito sa mga mag-aaral. Iminumungkahi ng mananaliksik sa administrasyon ng paaaralan na suportahan ang mga guro sa paglikha ng mga kagamitang panturo na may kinalaman sa teknolohiya upang makuha ang kawilihan ng mga mag-aaral sa pag-aaral. Para naman sa mga susunod na mananaliksik, iminumungkahi na gawing batayn ang pag-aaral na ito at maging direksyon sa mas malalim pang pag-aaral kaugnay sa larangan ng pagsulat.
Keywords: I-Ekspres App; kagamitang panturo; kasanayan at pagganap
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)
VIEW PDF
Published on : 2024-09-10
Vol | : | 10 |
Issue | : | 9 |
Month | : | September |
Year | : | 2024 |