INTERAKTIBONG PANTURO NG MAIKLING KWENTO SA PAGBASA AT PAG-UNAWA SA PAGSULAT NG DAGLI TUGON SA PAGBUO NG SUPLEMENTARYONG MATERYAL
Jemalyn Orogo Maglasang
Faculty, Laguna State Polytechnic University
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa paggamit ng Interaktibong Panturo ng Maikling Kwento sa Pagbasa at Pag-unawa sa Pagsulat ng Dagli Tugon sa Pagbuo ng Suplementaryong Materyal na may layunin na malaman ang antas ng interaktibong panturo ng maikling kwento upang makita kung epektibo ang binuong material. Ninais rin na masukat ang pagbasa at pag-unawa sa maikling kwento na magsisilbing sukatan sa natutunan ng mga mag-aaral. Gustong malaman ng mananaliksik ang antas ng performans ng mga mag-aaral sa pagsulat ng dagli. Makita ang epekto ng interaktibong panturo sa maikling kuwento sa performans ng mga mag-aaral at ang epekto ng pagbasa at pag-unawa sa maikling kwento sa performans ng mga mag-aaral.
Ang disenyong ginamit ng mananaliksk sa pag-aaral na ito ay nakabatay sa deskriptibong pamamaraan. Ang nagsilbing tagatugon ay mula sa ika-12 antas na kumukuha ng Humanities and Social Sciences (HUMSS) sa Lecheria Integrated School ng Calamba City Laguna. Panuruang Taon 2023-2024.
Lumabas sa resulta ng pananaliksik na ang interaktibong panturo ng maikling kwento ay may puna na sumasang-ayon at literal na paliwanang na lubhang mataas. Sa antas ng pagbasa at pag-unawa sa maikling kwento ay may puna na sumasang-ayon at literal na paliwanang na lubhang mataas. Ang antas ng performans ng mga mag-aaral sa pagsulat ng dagli ay may mapaglarawang katumbas na namumukod tangi at may literal na paliwanag na dalubhasa. Ipinakita sa resulta na mayroong makabuluhang epekto ang interaktibong panturo maikling kwento sa performans ng mag-aaral at ang pagbasa at pag-unawa sa pagsulat ng dagli sa performans ng mga mag-aaral.
Ito ay nagpakita ng makabuluhang epekto sa mga mag-aaral ang interaktibong panturo sa maikling kwento, ang walang bisang palagay ay hindi tinanggap. Nangangahulugan lamang na ang mga interaktibong panturo sa maikling kwento na binuo ng mananaliksik ay naging mabisa.
Matapos ang pag-aaral at pagsusuri sa natuklasan, iminumungkahi ng mananaliksik sa mga guro at mag-aaral, ipagpatuloy na gamitin ang mga interaktibong panturo sa maikling kwento para sa pagkatuto ng mga mag-aaral at sa mga guro, paunlarin ang mga nilalaman ng interaktibong panturo sa maikling kwento.
Keywords: interaktibong Panturo; Maikling Kwento; Pagbasa; Pag-unawa Panimula
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)
VIEW PDF
Published on : 2024-09-10
Vol | : | 10 |
Issue | : | 9 |
Month | : | September |
Year | : | 2024 |