SULATIBITI BILANG SUPLEMENTARYONG KAGAMITANG PANTURO NG AKDANG PAMPANITIKAN, KULTURANG BISAYA AT REPLEKTIBONG PAGSULAT


Reymart Barrina Garin
Faculty, Laguna State Polytechnic University
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa SULATIBITI Bilang Suplementaryong Kagamitang Panturo ng Akdang Pampanitikan, Kulturang Bisaya at Replektinong Pagsulat. Ang layunin ng pag-aaral ay matukoy ang antas ng SULATIBITI bilang Suplementaryong Kagamitang Panturo ng Akdang Pampanitikang Bisaya, Pagpapaunlad ng Kulturang Bisaya at pagganap ng mga mag-aaral sa Replektibong Pagsulat. Layunin ding matukoy kung may makabuluhang epekto ba ang antas ng pagpapaunlad ng SULATIBITI bilang Suplementaryong Kagamitang Panturo ng Akdang Pampanitikan at Pagpapaunlad ng Kulturang Bisaya sa antas/ lebel ng pagganap ng mga mag-aaral sa Replektibong Pagsulat. Ang pag-aaral na ito ay ginamitan ng kwantitatibong pamamaraan ng pananaliksik at disenyong deskriptibo upang matukoy ang isang bagay na kasalukuyang pinag-aaralan. Gumamit ng talatanungan upang makapangalap ng mga datos na kakailanganin. Ginamit ang purposive sampling na kung saan pinili ng dalawandaang (200) tagatugong mula sa mga mag-aaral ng Baitang 7 ng Gov. Felicisimo T. San Luis Integrated Senior High School. Batay sa resulta ng pag-aaral, ang SULATIBITI bilang suplementaryong kagamitang panturo ng akdang pampanitikang Bisaya ay lubos na mataas ang antas ng pagtanggap ng mga tagatugon sa iba't ibang aspeto tulad ng layunin, disenyong pampagtuturo, organisasyon ng materyal, kalidad panturo batay sa kaangkupan at kabisaan at aktibiti/ pagtataya. Ang pagpapahalaga at pagsasabuhay ng kulturang Bisaya ay nakakuha rin ng mataas na antas ng pagtanggap mula sa mga tagatugon, mula sa kaugalian hanggang sa pamumuhay. Karamihan din sa mga mag-aaral ay nakakuha ng mataas na antas sa Replektibong Pagsulat. Lumabas na walang makabuluhang epekto ang SULATIBITI at Pagpapaunlad ng Kulturang Bisaya sa Antas ng Pagganap ng mga Mag-aaral sa Replektibong Pagsulat. Lumabas na walang makabuluhang epekto ang SULATIBITI sa lebel ng pagganap ng mga mag-aaral sa replektibong pagsulat. Gayundin, walang makabuluhang epekto ang pagpapaunlad ng kulturang Bisaya sa lebel ng pagganap sa replektibong pagsulat. Sa kabila ng mga natutunan ng mga mag-aaral, nahirapan silang gamitin ito sa replektibong pagsulat, kaya batay sa mga resulta ay tinanggap ang hinuha. Nabuo ang rekomendayon para sa mga magsasagawa ng ganitong klase ng pananaliksik na marapat na pag-ukulan ng pansin ang pagsasaalang-alang ng pagkakaroon ng maraming aktibiti na mas makatutulong upang mas mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral bilang paghahanda sa pangwakas na pagtataya, partikular na sa replektibong pagsulat.
Keywords: SULATIBITI; Suplementaryong Kagamitang Panturo; Akdang Pampanitikan
Journal Name :
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)

VIEW PDF
Published on : 2024-09-11

Vol : 10
Issue : 9
Month : September
Year : 2024
Copyright © 2024 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft