P.A.S.S.WORD.S (PICTURE ANALYSIS, SEQUENTIAL SCRIPTING, WORD SWAP AT WORD CRAFT): PAGHUBOG SA KASANAYAN SA PAGBUO NG SANAYSAY NG MGA MAG-AARAL SA IKA-9 NA BAITANG


Joy S. Baradillo, Jayvee S. Bustamante, Shellah Me T. Sedayon, Shiela Me L. Semblante, Marie Grace T. Varquez
Student Researcher, Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology Maniki, Kapalong, Davao del Norte, Philippines
Abstract
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay tukuyin ang mga epektibong estratehiya at mga interbensyon na inakma upang matugunan ang mga suliraning kinakaharap sa paggawa ng sanaysay sa Baltazar Nicor Valenzuela National High School. Ang pag-aaral na ito ay isang experimental research na gumagamit ng disenyong investigative approach na naglalayong matukoy kung may epekto ang ginamit na interbensyon sa mga suliraning kinakaharp ng mga nasa ika-9 na baitang sa paggawa ng sanaysay at masuri ang kanilang pag-unlad batay sa resulta ng pre-test at post-test. Batay sa naging resulta sa pag-aaral na ito ay may t-value na - 4.957 at p-value na <.001 na nagpapahiwatig na lubos na makabuluhan at may positibong epekto ang interbensyon o pagpapaunlad ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pagbuo ng isang sanaysay. Ang paggamit ng interaktibo at nakakaenganyong aktibidad katulad ng P.A.S.S WORD.S o Picture Analysis, Sequencial Scripting, Word Swap at Word Craft ay nagbibigay-daan sa mga mag-aaral upang mapatibay at mapaunlad ang kakayahan ng mga mag-aaral sa paggawa ng sanaysay. Maaaring isaalang-alang ng mga tagapagturo ang paglalaan sa karagdagang atensyon sa pagpapabuti ng organisasyon, nilalaman, bokabolaryo, pamamaraan at wikang ginamit ng mga mag-aaral sa paggawa sanaysay sa pamamagitan ng iba’t-ibang interbensyon na angkop sa mga mag-aaral. Ang mga sumusunod ay idinadag: (1) Datos at pamamaraan; at (2) Mga karagdagang natuklasan.
Keywords: Picture Analysis, Sequential Scripting, Word Swap, Word Craft
Journal Name :
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)

VIEW PDF
Published on : 2024-09-11

Vol : 10
Issue : 9
Month : September
Year : 2024
Copyright © 2024 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft