PEER UP! (PRACTICE AND ENHANCE THROUGH ENGAGING IN READING USING PEER TUTORING): PAGPAPAUNLAD SA KASANAYAN SA WIKANG FILIPINO NG MGA MAG-AARAL SA SEKONDARYA


Chelina C. Caparos, Kenneth P. Cristal, Lalaine A. Lacsi, Sheena Joyce P. Semblante
Student, Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology Maniki, Kapalong, Davao del Norte, Philippines
Abstract
Ang maaksyong pananaliksik na ito ay naglalayong paunlarin ang kasanayan sa wikang Filipino ng mga mag-aaral sa sekondarya partikular na sa kanilang komprehensyon sa pagbasa. Ang interbensyong PEER UP (Practice and Enhance through Engaging in Reading Using Peer-Tutoring), ay nakatuon sa pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral na kung saan kolaboratibong magtutulungan ang mga mag-aaral sa pagkatuto. Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng pre-experimental na disenyo na kung saan ito ay gumamit ng one group pre-test and post-test na pamamaraan. Ang disenyong ito ay gumamit ng pre-test pagkatapos ay isinagawa ang interbensyon at magkakaroon ng isang post-test. Ang mga respondente na napabilang sa eksperimental na grupo ay ang mga mag-aaral sa ikasampung baitang, seksyon Neon ng Kapalong National High School. Natuklasan sa resulta ng pag-aaral na ang antas ng kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral sa pre-test ay inilalarawan na katamtaman samantalang ang naging resulta sa post-test ay mataas. Lumalabas na mayroong makabuluhang pagbabago sa pagitan ng pre-test at post-test ng mga mag-aaral mula sa eksperimental na grupo matapos ang isinagawang interbensyon. Samakatuwid, ang peer-tutoring ay isang epektibong pamamaraan upang mapalakas at mapaunlad ang kasanayan sa pagbasa at pag-unawa ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino. Kung kaya, iminumungkahi ng mga mananaliksik na ipatupad ang peer-tutoring, ito man ay dalawahan o pangkatan upang mas maging makabuluhan ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Ito rin ay gawing pagsasanay sa loob ng klase.
Keywords: Filipino, peer-tutoring, PEER UP, post-test, pre-eksperimental, pre-test
Journal Name :
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)

VIEW PDF
Published on : 2024-09-17

Vol : 10
Issue : 9
Month : September
Year : 2024
Copyright © 2025 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft