AKSYONG 4Ps (PAGSULAT, PAGSURI AT PAGBIGAY NG PIDBAK): ISANG INTERBENSYON SA PAGHASA SA KAHUSAYANG PANGGRAMATIKA SA WIKANG FILIPINO


Robert L. Miranda, Rhea P. Pait, Mailyn L. Reynancia, Jaiah Marie Ado, Mary Dimple Arcite, Lynde Reputana, Decy D. Esclares MAEd
Student, Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology, Maniki, Kapalong, Davao del Norte, Philippines
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang alamin ang antas ng kahusayang panggramatika sa wikang Filipino bago at pagkatapos ipatutupad ang interbensyong Aksyong 4Ps (Pagsulat, Pagsuri at Pagbigay ng Pidbak). Kabilang din pagtukoy sa makabuluhang pagkakaiba sa kahusayang panggramatika sa wikang Filipino bago at pagkatapos ipatutupad ang interbensyong Aksyong 4P’s. Ang pananaliksik na ito ay ginamitan ng pre-experimental na disenyo. Ang mga respondente ay kinapalooban ng 42 na mga mag-aaral mula sa baitang 10 – seksyon Rizal ng Asuncion National High School. Sa resulta ng pag-aaral, kahusayang panggramatika bago ang ipinatupad ang interbensyon ay may kabuoang mean na 4.14, ibig sabihin madalas lamang itong naipapakita. Samantala, pagkatapos naman ipinatupad ang interbensyon ay may kabuoang mean na 4.49, ibig sabihin na laging na itong naipapakita. Ipinakita rin sa pag-aaral na ito na may makabuluhang pagkakaiba ang kahusayang panggramatika bago at pagkatapos ng interbensyon dahil sa < .001 na p-value. Nangangahulugan lamang na may malaking papel na ginagampanan ang interbensyong Aksyong 4Ps (Pagsulat, Pagsuri at Pagbigay ng Pidbak) sa pagpapaunlad ng kahusayang panggramatika ng mga mag-aaral.
Keywords: kahusayang panggramatika, pre-experimental, kwantitatib
Journal Name :
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)

VIEW PDF
Published on : 2024-09-17

Vol : 10
Issue : 9
Month : September
Year : 2024
Copyright © 2025 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft