OPLAN LARO-OPERASYONG PAGPAPAIGTING SA PAKIKILAHOK SA KLASE NG MGA MAG-AARAL NG IKA-10 BAITANG SA TUGON NG LARONG AKTIBO, REALISTIKO AT ORGANISADO


Donnalyn O. Manuel, Criscel C. Melliza, Jessa M. Tuba
Student, Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology Maniki, Kapalong, Davao del Norte, Philippines
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang tukuyin ang makabuluhang pagkakaiba ng pakikilahok ng mga mag-aaral sa klase. Kabilang din ang pagsuri sa makabuluhang pagkakaiba ng pakikilahok ng mga mag-aaral sa pagitan ng pre-test at post-test bago at pagkatapos ipatupad ang interbensyong Oplan LARO (Larong Aktibo, Realistiko at Organisado). Ang pananaliksik na ito ay ginamitan ng pre-experimental na disenyo. Ang mga respondente ay kinapalooban ng 36 na mga mag-aaral mula sa baitang 10 – seksyon Rizal ng Luna National High School. Sa resulta ng pag-aaral, ang antas ng pakikilahok ng mga mag-aaral sa klase bago ang ipinatupad ang interbensyon ay may kabuoang mean na 2.65, ibig sabihin bihira lamang itong naipapakita. Samantala, pagkatapos naman ipinatupad ang interbensyon ay may kabuoang mean na 4.68, ibig sabihin na laging na itong naipapakita. Ipinakita rin sa pag-aaral na ito na may makabuluhang pagkakaiba ang antas ng pakikilahok sa klase ng mga mag-aaral bago at pagkatapos ng interbensyon dahil sa < .001 na p-value. Nangangahulugan lamang na may malaking papel na ginagampanan ang interbensyong Oplan LARO (Larong Aktibo, Realistiko at Organisado) sa pagpapaunlad ng pakikilahok sa klase ng mga mag-aara
Keywords: Pakikilahok ng mga mag-aaral sa klase, pre-test, post-test, pre-experimental
Journal Name :
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)

VIEW PDF
Published on : 2024-09-18

Vol : 10
Issue : 9
Month : September
Year : 2024
Copyright © 2025 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft